Is It Really For Better Or For Worse?
X

CHLOE'S INBOX

Is It Really For Better Or For Worse?

August 9, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---IS-IT-REALLY-FOR-BETTER-OR-FOR-WORSE

    Good morning DJ Chloe,

    I just wanna hear a good advice from you. Please hide my identity.

    I am married for three years now. We have a two-year-old son. After our 3rd anniversary, medyo napadalas na mga away namin. Stress and pagod na rin siguro. So kapag nag-aaway kami nagk-kwento ako sa mga close friends ko sa work. There is this one guy, he is also married. Nu’ng umpisa ayokong-ayoko sa kanya. Parang bully kasi at immature. Mas bata kasi sa’kin. Nu’ng una parang wala lang siya and then naging close kami. Until such time na nag-oopen na ako sa kanya at siya nag-open rin siya sa mga problems nila ng wife niya. Doon na kami naging close. Nagkaroon kami ng team building. Medyo nalasing siya, nagkaroon ng chance na kaming dalawa lang and then kiniss niya ako. Nagulat ako, DJ Chloe, kasi hindi ko ine-expect ‘yun. Pero mas nagulat ako sa reaction ko, hindi ako nagalit. Na parang okay lang. Right there tinanong ko siya kung bakit niya ginawa ‘yun kung dahil lasing ba siya or may ibang meaning pa ang sagot lang niya basta. Mahina ang signal sa room namin hindi ko alam na nagte-text pala siya nagsorry. Kinaumagahan ko na lang natanggap mga text niya. Doon na kami nagstart na regular na magkatext until now. Mag two months na kaming ganito. After that incident nagkaroon kami ng chance na magkausap hinatid niya ako malapit sa bahay. OTW, nag-usap kami. Tinanong ko ulit siya then sinabi niya na may something nga daw siya. Hindi niya alam kung bakit at hindi rin niya kung kelan pa then na-realize ko na ganon rin pala ako sa kanya. So ayun na, naging constant kaming magkatext pero ‘pag nasa bahay na wala na kasi baka mahuli kami ng mga asawa namin. Habang tumatagal mas naaattached kami sa isa’t-isa. ‘Yung unang halik niya sa team building nasundan ng mga nakaw na halik. Until may nangyari na sa’min. Masaya kaming dalawa. Siguro kasi nakakalimot kahit papaano sa mga stress at problema sa mga asawa namin. Then one day, inamin ko na sa kanya na mahal ko siya. Then siguro a few days rin inamin rin niya na mahal niya ako.

    Ang saya-saya ko nun kasi pareho lang kami. Pero habang tumatagal narealize ko na magkaibang level ang pagmamahalan namin. Ako willing akong maging kami. Magkaroon ng label ganon, siya hindi. And kahit anong away nila ng asawa niya kahit sobrang away na nandiyan pa rin at mahal na mahal pa rin niya ang asawa niya. Ibang-iba siya sa mga nakilala kong lalaki, DJ Chloe. Sobrang bait. Sobrang maasikaso pero hindi kasi napapansin ‘yun ng asawa niya. Kung pwede nga lang sana mag-iba ang ikot ng mundo at ako na lang maging kami na lang eh. Pero hindi, alam ko rin naman ang reality ng situation namin. Sabi namin nun go with the flow walang expectations walang demands kaya masaya. Pero ngayon kasi nafi-feel ko na naattache ako lalo sa kanya so mejo dumidistansiya ako. Ayoko kasing ma-feel na ang weak ko na naghahabol ako sa kanya. Kaya one time medyo dumistansiya ako at naging cold. Naramdaman naman niya ‘yun nagtanong siya kung anong problema, nagsorry siya. Sa loob loob ko, alam ko na wala siyang kasalanan. Kumbaga alam ko na hangang ganito lang ang kaya niyang i-offer sa’kin. Masaya naman ako and na-appreciate ko ‘yun. Naisip kong distansiyahan lang para mabalanse ko pa rin pero siya naman ‘yun mangungulit. At that time,nagaaway nanaman kasi sila ng asawa niya and kailangan niya ng kausap. Hindi namna siya nanlalamig, consistent naman siya sa’kin. Nafeel ko naman na mahalaga rin ako sa kanya.

    DJ Chloe, ano bang gagawin ko? Hahayaan ko na lang ba na ganito kami? Go with flow na lang? Iiwas na ba ako? Ayoko naman siyang mawala sa’kin. In a way, masaya naman na rin ako sa ganito. Hindi rin ako totally makakaiwas kasi halos everyday kaming nagkikita. Loyal po ako sa asawa ko bago siya dumating, hindi ko nga po alam na capable pa pala akong maattract sa iba and magawang magcheat kasi alam kong hindi ako ganon. Paano ko ba iha-handle ito, DJ Chloe? Kung meron po akong natutunan sa situation ko ngayon is that huwag magsasalita ng tapos at huwag magju-judge agad ng tao. Dahil ako nun grabe rin ako makajudge sa mga cheaters and sinabi ko noon na hindi ko gagawin ‘yun. Pero ito nga nagawa ko ‘yun.

    Sana mabasa mo po ito, DJ Chloe and mabigyan ako ng advice.
    Thank you so much and more power to you!

    Miss N

    Dear Miss N,

    So since ‘di ka makakaiwas dahil daily kayo nagkikita sa work, it’s like saying it’s impossible for you to stop this? Imposible nga talaga mainit ‘pagmalapit ka sa kalan, ‘di ba?

    We talked, I asked you things, you told me your husband changed. Ganun talaga, 1% pa lang alam mo ‘pagboyfriend mo pa lang ‘yan. The moment kasama mo na bahay ‘yan, 99 % will be revealed.

    But still, it’s not a reason for you to do what you did.

    Sabi ko nga, what I find disrespectful and disgusting is someone having an affair and still very much married.

    I don’t really care what reasons you have for cheating but at least have the temerity to leave the marriage if you can’t be stopped with playing fire, ‘wag mong ‘pagsabayin. Stop enjoying the best of both worlds.

    And since you cant be stopped, ready yourself for the possibilities of your husband knowing about it. Ready ka sa magiging reaction nya? Kung di mo alam paano magalit asawa mo baka ngayon malaman mo na… I don’t think any person can take something like this lightly.

    You have a son… kaya mong mawalan ng karapatan sa kanya? Your husband can do, if he learns about it  dahil ikaw ang may ka affair.

    Minsan sa sobrang page enjoy sa sitwasyon, nakaklimutan ng mag isip ng matino.

    Me problema ka na nga sa asawa mo, nagdagdag ka pa ng isa. Hanggang ganyan lang kayo, pag-usapan ang problema niyo sa mga asawa niyo kaya parang okay lang ang ginagawa niyo kasi may problema nga naman kayo sa mga asawa niyo.

    Sabi mo masaya ka naman sa ganyang sitwasyon niyo, okay lang naman sa’yo, ‘di ka makakaiwas. So, what advice do you need? You don’t need one, actually. You need an approval.

    Malaki ka na may anak ka na nga eh. ‘Paglaki ng anak mong lalaki, nagkaasawa, at lokohin ng asawa niyang babae, sana may matino kang advice na maibibigay sa kanya.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.