Single Bells! Single Bells!
X

CHLOE'S INBOX

Single Bells! Single Bells!

August 11, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---SINGLE-BELLS

    Hello DJ Chloe,

    I’m one of your million fans. At sa totoo lang nandito ako sa work at laging nakikinig sa station mo at nakikinig din sa mga thoughts of wisdom mo na nakakarelate ako sometimes. DJ Chloe, I’m 40 years old at wala pang asawa. Well, actually, nakipagbreak sa’kin ang girlfriend ko two years ago dahil sa ‘di malamang kadahilanan. Sa ngayon, meron na siyang bagong boyfriend and I don’t know kung kinasal na sila. Sa tingin ko naman happy siya unlike me na walang FOREVER, hihi. Minsan tama naman ‘yung sinabi mo one time na, “ganyan ba ang minahal ka at madali kang ipinagpalit sa iba?”

    Sobrang taas ang kamay ko sa’yo nun kasi tama nga naman ang sinabi mo, kung mahal niya ako bakt niya ako ipagpapalit sa iba. Sa ngayon, I spend my life sa work, work, and work. I’m working seven days a week kasi naisip ko wala naman akong paglalaanan pa ng oras. Well, aside sa family huh. Pero minsan naiisip ko nakakapagod na din siguro naghahanap lang ako ng inspiration sa buhay. Ewan ko ba, DJ Chloe.

    Minsan naman sa bahay, ‘pagdating ko puro problema din. Kaya minsan ayaw ko na umuwi ng bahay. Naaawa lang din ako sa nanay ko. She is 72 years old na kaya ako na ang nag-aalaga sa kanya kasi mga kapatid ko may asawa’t anak na din. Nai-kwento ko sa’yo ito, DJ Chloe kasi naghahanap lang ako ng ibang way para maging masaya. Sorry kung makikitaan mo na walang sense ang letter ko. Pero, DJ Chloe, salamat sa lahat ng mga naitulong mong inspirational thoughts starting sa Monday to Friday. Dun minsan ako kumukuha ng lakas dahil I’m still single. Take care, DJ Chloe and God bless you and your family.

    Pwede ‘wag mo nalang bangitin ang real name ko kung babasahin mo ang letter ko sa radio. Just call me Mr. March. Thanks again po.

    Hi, Mr. March!

    Naka two years na kayo ng girlfriend mo , ‘di ka pa nagpropose? J

    Anyways, kung kayo, kayo talaga. Kung hindi, di hindi. Ganun lang ‘yun.

    You know, I have a friend, bachelor, super. Eligible professor siya. Siguro mga 40s na nag-asawa. Pinili niya medyo bata para magka-anak pa daw siya and para the girl can keep up with his sex drive. Nagka-anak, dalawa na yata. I saw him again. Kamustahan, I asked, “musta naman buhay may asawa?” Sising-sisi daw siya, hahahahahahahahahaha! Ngayon daw pati problema ng iba, problema niya na rin.

    Maybe he married for the wrong reasons. Maybe tama naman kasi, one purpose of marriage is procreation. Nagkaanak naman siya.

    Bottomline, hindi madali ang may asawa, sir. At sa totoo lang, mas masaya ang buhay ng single, ‘yun lang.

    Just ask God to take care of you and for whatever plans He has for you, thy will be done.

    Andyan naman mom mo. ‘Pag nag-asawa ka na pano na siya? Besides, if it’s meant for you to be married, then it will be.

    CHLOE'S SIGNATURE

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.