CHLOE'S INBOX
Marriage Is Not For The Faint Hearted
August 14, 2017
-


Hi DJ Chloe, good day.
This is my third time to send you a message in your inbox. I’m one of the commenters of your segment. Call me na lang po “Stressed Wife.” Three years married with one daughter. I just want to seek your advice in my situation with my husband. Good provider naman po siya sa daughter namin at hindi nambababae. But he has an attitude problem na hindi ko alam kung mababago pa niya. Kapag sinasabihan ko po siya sa mga mistakes niya hindi po siya marunong tumanggap ng mali niya, siya pa ang nagagalit kaya kahit na ngayong hindi kami nag-uusap hindi ako makapag-open sa kanya kasi alam ko po hindi siya makikinig. Pangalawa po hindi po siya nagbibigay ng salary niya sa’kin. Enough reason po ba ‘yung alam ko naman daw po kung saan napupunta ‘yung salary niya kundi sa mga needs ng daughter namin at sa araw-araw na pagkain namin.
Pangatlo po ‘pag po may problem dito sa bahay instead po na ayusin problema namin eh agad lumalayas at maaga siya umaalis kahit malayo pa oras niya para magwork. Kinakausap niya po ako kagabi pag-uwi niya from work. Hindi ko siya kinikibo dahil naipon na po sama ng loob ko sa kanya na hindi ko masabi sa kanya dahil hindi naman niya seseryosohin sasabihin ko.
Lagi ko po sinasabi na iwanan na lang niya kami kung hindi niya kayang magbago pero hindi po niya ginagawa na hiwalayan ako pero nahihirapan po ako sa attitude niya. I hope you enlighten me, DJ Chloe. Gulong-gulo na po kasi ako. Thank you, DJ Chloe and God bless.
Stressed Wife
Hi Stressed Wife!
Kulang pa ‘yang three years na stress. Ang iba nga buong buhay nila sa mga asawa nila stressed out sila eh, hahaha.
Seriously, kahit anong sabi mo dyan na magbago, ‘di ‘yan magbabago basta-basta dahil naugatan niya na ang ganyang ugali.
Pangalawa, kung sa tingin mo hindi umuubra ang ginagawa mo sa kanya, para pakinggan ka, ba’t ‘di mo baguhin ang style mo?
Ganito na lang, para ‘di ka mastress, bakit ‘di ikaw ang magbago ng reaction mo sa mga ginagawa niya?
You can complain all your life or you can change your attitude towards the situation.
Hindi kasi clear sa’kin ano bang mga problema ang tinatakasan niya sa bahay niyo kaya umaalis siya ng maaga? Kayo lang ba sa bahay niyo? Or nakikipisan kayo?
Second, may mga lalaki talaga na hindi pinapaalam magkano kinikita nila pero ‘di naman kayo ginugutom. Ideally, dapat alam mo pero para ‘di na lang sumama loob mo, hayaan mo na lang.
Mas makabubuti na meron ka ring sarili mong trabaho o pinagkakakitaan para ‘di mo na iniintindi magkano ba talaga kinikita niya dahil meron ka rin.
Base nga sa pag-uusap natin, nasa bahay ka lang palagi. Kung malaki na anak mo, siguro pwede ka ng mag-isip ng konting ways para kumita ka rin, either you work or you work from home.
Normal na ang difficulty sa buhay may asawa, compared naman sa problema ng iba, dear? ‘Di ba? Palagi kang nagco-comment sa mga letter senders so alam mo ano ibig kong sabihin.
And lastly Stressed Wife, we are talking about your husband here and your marriage, and as I always say, marriage is not for the faint hearted. But if you have God in the center of your marriage, if you believe and worship the same God, which is our God in heaven then He is faithful to make your relationship better. Do you at least pray together?


-
COMMENTS














