CHLOE'S INBOX
Are You Using Your Time Well?
August 16, 2017
-


Hi DJ Chloe,
I’m an avid listener of Easy Rock and one of your fans. Sumulat po ako kasi sobrang lost na po talaga ako at alam kong malaki ang maitutulong ng advice niyo po sa’kin. Itago niyo na lang po ako sa pangalang “Grace”. Isa po akong single mother sa dalawa kong anak and now po meron akong boyfriend at four and a half years na po kami. Binata po siya at napakabait kaya minahal ko siya ng sobra kasi hindi lang po ako ang minahal niya pati rin po ang mga anak ko. Sa mga lumipas na taon wala po kaming naging problema pero isang araw dumating ang ‘di ko inaasahan to make the story short bago po siya dumating sa buhay ko nagkaroon po ako ng sakit. Isa po akong breast cancer survivor pero nu’ng naoperahan po ako kasamang tinanggal ang dalawang ovary ko at ang right breast ko po. So sa madaling salita ‘di na po ako magkakaanak pero simula pa lang ng panliligaw sa’kin ng boyfriend ko ngayon ‘di ko sa kanya inilihim ang lahat at tinanggap niya po ako sa kabila ng ‘di na ‘ko magkakaanak.
Pero nu’ng isang araw may bigla siyang hiniling sa’kin. Bigyan ko daw po siya ng anak na alam niya po impossibleng mangyari at sinabi niya din po sa’kin na kung ‘di ko kayang ibigay sa iba na lang daw po niya gagawin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at ‘di ako nakapagsalita at unti-unti na lang pumatak ang luha ko. Sa ngayon po ‘di ko na alam ang gagawin ko kasi kinausap ko po siya na maghiwalay na kami para magawa na niya magkaanak sa ibang babae pero ayaw niya pong pumayag ang gusto nga po kami pa rin daw at walang mang-iiwan. Sobrang gulong-gulo na po utak ko at isipin ko pa lang na magkakaanak na siya sa iba ang sakit sakit na po. Pero napaka-unfair naman po kung pipigilan ko siya maging ama at maranasan magkaroon ng sarili niyang anak. Sana po matulungan niyo po ako. Maraming salamat po.
Grace
Dear Grace,
Baka sa stress mo ngayon sa kanya at sa pressure na binibigay niya sa’yo na pumayag sa setup na gusto niya, eh bumalik ang cancer mo. Kawawa naman ang dalawang anak mo. Na-survive mo na, babalik na naman sa’yo?
Grace, ‘di pa ba sapat na nandyan ang dalawang anak mo?
You tell this son of b**** boyfriend of yours to just go ahead with what he wants and he can do it without you in his life.
Oh, well unless okay lang sa’yo na may anak siya sa iba, pero kayo ang magkasama. Nasa’yo ‘yan.
And do you think you will have peace of mind? Pupuntahan niya ang mag-ina niya. Sa tingin mo ba ‘di ka mase-stress kakaisip na dadalhan niya lang ng gatas at diaper ang anak niya?
Grace, life is short! And you know that, you have come face to face with death when you were having your chemo dahil cancer survivor ka. Kailangan mo pa ba ang stress na ‘to sa buhay mo?
May mga anak ka, lalaki lang ‘yan! At kung ipe-pressure ka niya sa gusto niya na parang kasalanan mo pa na ‘di ka papayag. You just better let him go! You don’t need another cancer, Grace.
Masakit lang ‘yan sa una, pero kakayanin mo.
Pero kung okay lang sa’yo, up to you.
As for me I cannot imagine, sasabihin mong mahal mo ‘ko tapos totorturin mo ‘ko? Anong klaseng pagmamahal ‘yan?
‘Pagpumayag ka, natural, iisipin mo, asan kaya siya? Gumagawa na kaya siya ng bata ngayon? Okay lang kaya sa’yo?
If he wants a family of his own, give it to him. Set him free.


-
COMMENTS














