CHLOE'S INBOX
It’s Not Your Children’s Fault
August 22, 2017
-


Dear DJ Chloe,
Hello po.
Nakikita ko lang po ang page mo kasi naka-like po si mommy sayo, mag ka-Facebook po kami ng mommy ko. Kaya minsan po nababasa ko ang mga nakapost sa page niyo lalo kapag nag-la-like ang mommy ko .
Please call me Elaine, grade 12 na po ako, mag-18 na rin po ako this year, and I am currently enrolled in one of the prestigious schools dito po sa lugar namin.
DJ Chloe, I want to help my friend po but I don’t know how. She is also my classmate po and recently, she dropped out of school sa ‘di po namin alam na dahilan. But recently po, nakausap siya ng isang kaibigan din namin, so she found out what really happened.
Her parents recently decided to split, naghiwalay po sila and naiwan po sila ng dalawa niya pang kapatid sa mommy nila. Ayaw na po silang suportahan ng daddy nila, lalo nap o ang pag-aaral niya. Ang daddy niya po kasi ang may income daw talaga. Mommy niya po nasa bahay lang.
DJ Chloe, magaling po siya sa klase, hindi po siya bulakbol, and matataas po ang grades niya kaya nanghihinayang po kami na titigil siya pero ‘di po namin alam how we can help.
We have decided, our group, na mag pa mass po sana para sa kanya. Then secretly po we will give her the money kasi gusto po namin siyang tulungan na matapos man lang ang senior high, dahil grade 12 na po kami.
Papano po kaya namin siya matutulungan? Bakit po kaya kailangang mangyari pa na iwanan sila ng daddy niya? Ganun po ba talaga? Pag-ayaw na ng parents na magkasama sila, pati din po ba sa’min na mga anak, ayaw na din nila?
Salamat po DJ Chloe, sana po may mga makarinig nito at sana matulungan ang kaibigan ko.
Elaine
Hi Elaine!
Anak, sa totoo lang, ang sikip ng dibdib ko, when I was reading your letter.
Ang hirap sagutin ng tanong mo sa huling parte ng sulat mo.
Alam mo Elaine, hindi kailan man kasalanan ng mga anak kung bakit nagkakahiwalay ang mga magulang nila. Parents have their own minds and sometimes they make mistakes and decisions that hurt their children, and it’s because of selfishness sometimes. Kasi mas inuuna nila ang mga sarili nilang kagustuhan.
I am glad you were brought up by your parents this way, na sa murang edad naiisipan mo nang tumulong.
‘Yun nga lang, sa ngayon, wala ka pang kakakayahan dahil you are also still a student.
Elaine, hindi lang one time na tulong ang kakailanganin ng kaibigan mo, kasi matulungan man natin siya ngayon, makatapos man siya ng grade 12, pano na ang college?
Kung sa tingin niyo makakatulong ang ‘pagpa-misa nyo for her and then you give her the money secretly, go ahead. Kahit ‘di ko alam pano niyo gagawin ‘yan. Ako din, I will try to help, as what I have I told you sa pag-uusap natin sa messenger.
But please, tell your friend, na sa nangyaring ‘to sa kanila, sa kanya, tatagan niya ang loob niya. If she needs to find work para maging working student, so she can finish school, kailangan gawin niya ‘yun.
I will pray for her, and I will help in ways I can, at sana, kayo rin bilang mga kaibigan nya, importante na nandyan kayo para sa kanya.
Bakit nga ba kailangang ang mga bata ang maghirap sa mga maling desisyon ng mga magulang nila?
Bakit nga ba may mga ama na kayang tiisin ang mga anak, na kayang talikuran ang mga anak na galing din sa kanila?
Magsilbi sanang aral ito lalo sa mga ina. Huwag iasa ang buong buhay sa asawa dahil pag-iniwan ka, maiiwan kang nga-nga.


-
COMMENTS














