Keep Your Children In Your Prayers
X

CHLOE'S INBOX

Keep Your Children In Your Prayers

August 22, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---KEEP-YOUR-CHILDREN-IN-YOUR-PRAYERS

    Good day po DJ,

    I want to ask some advice but please hide my identity. Ma’am, I’m married and a father of four children. Ang problema ko po hindi sa wife ko,  ang problema ko po ay sa aking pangalawa anak na lalaki. Mula nang nahuli ako ng wife ko na may number two ako noon, na-confront ako ng wife ko but lahat naayos namin mag-asawa but my second son nagtanim ng galit sa akin.

    At sinumbatan ako but I tried to explain lahat pero ayaw ako pansinin at tuwing uuwi mula sa work niya pagdating sa bahay. Parang aso na dumaan sa harap ko, hindi man lang nagbless at hindi ako kinikibo at palaging galit sa akin.

    Minsan sa Facebook niya makikita ko nagpost. Galit at layas ng layas. Malalaman ko na lang sa Facebook niya nasa ibang lugar hindi man lang nagpapaalam at isa pa ma’am kinakahiya niya kami na mga magulang niya. Minsan lahat ng ulam sa bahay inuubos na lang kakainin lahat kung gusto.

    Ang kinagagalit ko lang po okay lang pag-ubusin ang pagkain pero ‘pag sweldo niya kasi kahit centimo walang inaabot sa amin, minsan sisigawan pa niya kaming mag-asawa. Nasasaktan po ako sa mga ugali niya at sa mga ginagawa niya. Please try or I need advice para pangpagaan ng loob namin mag-asawa. Thanks po in advance. Tuwing papasok po sa work ko I’m tuning in your program at isa pa po pala pareho kaming mag-asawa na nagwo-work sa gobyerno.

    Dad of 4

    Dear Dad of 4,

    You might have provoked your son to anger.

    Maybe you did talk to him about it already but did he feel your sincerity?

    Baka naman he looks up to you and he loves his mom so much that he couldn’t accept the fact na nagawa mo ‘yun. Maybe he felt afraid na pwede mo silang iwan dahil meron kang iba.

    Ang mga bata may fear sila na mawalan ng magulang, I know that for fact kasi as I can recall ng maliit pa ako, I would cry upon the thought of my mom dying. Sobra akong natatakot at iiyak talaga ako maisip ko lang na mawawala ang nanay ko. I was like six or seven at that time.

    So he probably felt threatened na mawawalan siya ng buong pamilya.

    Siguro give him time and try to still talk to him seriously about this.

    Ikaw pa rin ang ama at hindi acceptable na bastusin o sigawan kayo ng anak nyo.

    Lastly, always pray for your children. Lalo na itong anak niyong ito, particularly.

    You need to ask God to intervene and to show you what to do.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.