When You Didn't Manage Your Expectation
X

CHLOE'S INBOX

When You Didn’t Manage Your Expectation

August 23, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-YOU-DIDN'T-MANAGE-YOUR-EXPERIENCE

    First of all po, good day po sa inyo at sa mga listeners. ‘Di ko po alam kung paano magstart. Kaye po name ko, 33 years old, married but hiwalay na kami ng husband ko for about two years na. May lima po akong anak. Wala naman pong problema about sa financial support naman kasi sinusuportahan naman po kami ng husband ko. DJ Chloe, nagkahiwalay kami ng husband ko dahil na rin po sa family niya at mga barkada. Okay naman po kami nun nu’ng wala pa mga kapatid niya na nakitira sa amin. Nag-iba na lang po ng ugali ‘yung husband ko nu’ng andyan na mga kapatid niya hanggang nag-away kami tapos nagdecide na ‘ko na iwan siya. Sa loob po ng two years nag hiwalay kami.

    May nakilala po ako sa isang online game. Lalaki po siya DJ Chloe, alam ko naman na sa ganung laro ‘di ka makakahanap ng totoong kaibigan kasi nga laro lang. Kinuha po niya Facebook ko hanggng sa lagi na kami nagchat. Nakagaangan ko po siya ng loob at naging close friend. Araw-araw, oras-oras ko siya ka-chat. Lahat ng problems ko sinasabi ko sa kanya at pinapayuhan naman niya ‘ko. Ganun din po siya. DJ Chloe, two years na po kami magkaibigan until may iba na po ako naramdaman sa kanya.

    Una, crush lang po. Pero habang tumatagal mahal ko na po siya. DJ Chloe, alam niya na crush ko siya. Sa loob ng two years na magkachat kami nagkita na po kami kasi po sinamahan ko siya sa agency niya dahil paalis na po siya. Seafarer po kasi siya. DJ Chloe, may nangyari po sa amin ng guy na ‘yun. Naguguluhan po ako kasi ‘di ko alam kung papaano ko iiwasan na siya kasi alam ko iiwan din niya ko. Nalaman din ng asawa ko na may nangyari sa amin. Kasi nabasa niya mga convo namin. Pero DJ Chloe, ‘di po nagalit ‘yung husband ko. Sabi niya deserving daw po siya na i-cheat ko. Nakonsensya po ako. Nagdecide po ako na iwasan na ‘yung guy. Pero ‘di ko po makaya. Siguro kasi nga po my nararamdaman na ‘ko para sa kanya. DJ Chloe, ‘yun ‘yung bagay na ‘di ko alam kung papaano gagawin ko. ‘Di na rin naman po kami nagsasama ng asawa ko. Pumupunta siya dito para i-visit mga bata. Please, DJ Chloe, payuhan niyo naman po ako. Thanks po. Sana po mapayuhan niyo ‘ko. Thanks po.

    Kaye

    Hi Kaye,

    Kahit sana ‘di mo na kinwento ‘yung tungkol sa ex mo, okay lang, kasi parang ang dating nagkakaganyan ka, okay lang, dahil siya naman ay ‘di naging mabuting asawa.

    But anyways, Kaye, 33 ka na. With kids, right? Five in fact. ‘Di na bagay ang mga words na “sa una crush lang.” Parang high school ang peg Kaye eh, sorry ha.

    At your age and with five kids, shouldn’t you be thinking of something really productive to help build you, propel you, and your kids’ life, instead of online gaming?  Dinagdagan mo pa, nakipagmabutihan ka sa nakilala mo sa online gaming na obvious naman ano lang ang habol sa’yo.

    Kaye nag-enjoy ka na sa online games at hindi ito nakabuti sa’yo, nagbigay pa ng problema sa’yo. Buti hindi ka nabuntis nang may nangyari sa inyo. Kasi imagine, anim na magiging anak mo. ‘Di ka ba nakakaramdam ng hirap sa buhay? Sa lima pa lang dapat ubos na oras mo eh.

    Kaye, sana maisip mo, at all times, ang mga anak mo. That you need to be at your best palagi. Best of health, best state of mind, best disposition, best and epic version of you all the time and every day. Kasi NANAY ka na.

    Now in the future, gusto mo maglovelife, pwede ka namang umibig pa eh. Ba’t naman hindi. Pero make sure na clean slate ka na. Hiwalay ka na ng maayos sa asawa mo at ang future love life mo eh klarado ano ang gusto at intention sa’yo. Kasi uulitin ko, NANAY ka na at may mga ANAK ka.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.