CHLOE'S INBOX
Never Get In Between
September 4, 2017
-


Good morning DJ Chloe,
Isa po ako sa mga nakikinig ng Easy Rock at ng Chloe’s Inbox niyo. Ikwento ko po sa inyo buhay ko itago niyo na lang po ako sa pangalang Mrs. Aries. May limang anak po ako, may asawa dati pero now ngsasama na lang kami para sa mga bata at alam din po ng side ng ex ko. Nagkaroon po ako ng relasyon sa may asawa na kilala din po ng asawa ko. Tumagal po relasyon namin ng eight years at nagkaanak po kami. Pero dahil hindi kami pwede magsama ‘yung ex ko po kinilalang ama ng mga bata. Masaya naman po kami kahit ganun set up namin. Pero talagang dumadating ‘yung time na may taong hindi ako tanggap. Nag-away silang magkapatid nun at inawat ko sila. Ako ang hinarap ng kapatid niya. Kung ano-ano na mga sinabi sa’kin pati mga anak ko dinamay na.
Hanggang dito na lang po. Sana po mabigyan niyo po ako ng payo. Maraming salamat po sa pagbsa ng masalimuot kong buhay. God bless po, DJ Chloe.
Mrs. Aries
Hi po, pati po sulat natin masalimuot din ano.
Ganun po talaga. We can’t please everybody and we can’t expect people around to always understand us and get their approval.
Maaring sa inyong mag-asawa okay na po ang set up niyo. Pero sa ibang tao po hindi.
Kaya nga importante sana na maitama natin ang mga bagay sa buhay natin hangga’t kaya natin.
Hindi po kita sinisisi. Alam ko po na lahat tayo. We all have skeletons in our closet and we all have done shitty things were ashamed of.
Siguro po lesson learned. ‘Wag na lang makialam sa away ng iba.
Kasi minsan ang ending ikaw na umaawat, ikaw ang napapasama.
Someone I know of died of it. Umawat lang sa away ng iba sa bar. Siya ang nasaksak, patay. Imagine the anguish of the parents?


-
COMMENTS














