The Decision That You Have To Make
X

CHLOE'S INBOX

The Decision That You Have To Make

September 13, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---THE-DECISION-THAT-YOU-HAVE-TO-MAKE

    Dear DJ Chloe,

    Good afternoon. Matagal na ako avid listener ng programa mo. Until today naisipan ko nang magsend ng message. Gusto ko po kasi marinig and side mo. So here it goes, call me Ella. 27 na po ako may dalawang anak. Maaga ako nag-asawa at the age of 18 may anak na kami. Awa naman ng Diyos pinag-aral pa din kami ng mga magulang namin kahit na may anak na kami hanggang sa nakapagtapos naman at pinalad na parehong makapasa ng board exam. Hanggang sa naging dalawa ang anak namin. Nakapagtrabaho si hubby sa amerika, nambabae as usual. Naghiwalay kami ng halos limang taon. Maliit pa ‘yung bunso namin nun tapos nagkita kami ulit mag se-seven years old na ‘yung bunso namin. Limang taon ‘di namin siya nakita pero ‘di naman siya nagkulang ng padala. After nu’ng five years na ‘yun bumalik siya at nakita niya kung gaano na kalalaki at katatalino mga bata saka nakapagisip-isip na bumalik sa amin. Mahal ko pa siya in a sense na siya ang tatay ng mga anak ko pero hindi na bilang asawa. Ayoko din naman gamitin mga bata na dahilan para makipagbalikan kasi sa totoo lang napalaki ko naman ng maayos at mga disiplinado ang mga anak namin kahit ako lang mag-isa.

    Ano ang masama, DJ Chloe? Pagkaitan ko ang mga anak ko ng pagkakataon na magkaroon ng buong pamilya? O magpanggap ako na okay ang lahat at lokohin ko ang sarili ko? Napatawad ko na siya, matagal na, DJ Chloe. Ang pagkatiwalaan siya ulit ang ‘di ko na kayang ipangako pa. Nakapagmove on na ako sa totoo lang. Wala ng galit at kahit na ano pang bitterness ang puso ko. Handa na ako magmahal ulit sana kung may darating pa man na tao para sa’kin. Pero bago pa man ako makapagbukas ng pintuan eto ngayon si husband kumakatok ulit. Kung paiiralin ko ang pagiging nanay ko tatanggapin ko pa. Pero kung paiiralin ko ang pagiging tao ko hindi na. Salamat sa pagbasa ng message ko, DJ Chloe. More power!

    Ella

    Hi Ella,

    Siguro before you consider your feelings, your fears, una mo munang alamin ano ba ang motibo niya for coming back? Try to find out and dig deeper, once na alam mo na, I am so sure you will come up with a decision. If you decide to take him in, don’t make it too easy for him to just come in and enter your lives, kayo ng mga anak mo, because it took you years before you came back to finding the balance again in your life.

    Yes, he is the father of your kids. But technically, stranger siya sa inyo dahil he never was able to build a relationship with them. It’s good to know he wants to come back and be a father and a husband. Pero baka mamaya, babalik lang siya para guluhin at saktan kayo uli. Protect yourself and your children from this.

    I cannot tell you to accept him. I cannot also tell you not to.

    At the end of the day, it’s a decision you have to make. And whatever decision you make I just pray that you won’t regret it.

    Before deciding on anything Ella, ask God to give you a clear head. To reveal to you what you need to know. And to rely on Him for everything. Ask God to take him away from you. If he is not for you and your family anymore, He knows. And He knows what’s best for you and your kids.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.