You Always Have A Choice
X

CHLOE'S INBOX

You Always Have A Choice

September 19, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---YOU-ALWAYS-HAVE-A-CHOICE

    Dear DJ Chloe,

    Isa po ako sa avid listener mo, active commentator din sa Chloe’s Inbox dati. Pero ngayon hindi masyado. Hindi ko din alam na magse-send ako ng message sa iyo at hihingi ng payo. Pero eto na nga, I am married for 17 years na. My wife and I have a good married life. We enjoy our company together and also ‘yung mga kids din namin. Until this thing happened. Almost a month ago lang, I met this person thru Facebook chat dahil sa game na Everwing. Una, it’s a friendly conversation, then until mag-open up siya ng buhay niya. About sa nakaraan niya at mga pinagdaanan sa buhay. We exchanged our stories. Hanggang we exchanged “I like you” then “I’m beginning to fall for you.” Something like that. 23 years old lang siya, while I’m 43. Pero sinabi niya sa akin na preferred niya ang 30s to 40s kasi ‘yun ex niya is 40 years old. Sobrang lambing niya at sobrang maalalahanin. Sa aming pag-uusap minsan inaabot kami ng madaling araw sa pagcha-chat at pagte-text. Kahit hindi pa kami nagkikita eh, we kept on saying, I miss you” and “I hug you with kisses.”

    Tinatawag niya akong “Dada” and “Baby” naman ang tawag ko sa kanya. And then dumating sa pagsasabi niya sa akin na “kelan ka ba magpapakita sa akin?” Sagot ko lang, “malapit na” Until dumating ‘yung time na we planned to see each other. Nag half day ako sa work ng hindi alam ng wife ko. I just told my wife that I need to meet a client and I will go home directly after the meeting. While on my way, we are exchanging messages thru Facebook chat. Una sabi niya, sunduin ko sya sa lobby ng condo niya. Then when I was at the lobby, sabi nya, “derecho ka na dito sa unit ko” at nu’ng andun na ako sa door ng unit niya, pagbukas ng pinto, nakita ko sya naka underwear lang.

    And “THAT” thing happened on our first meeting. Though, with all honestly, I wasn’t expecting it will happen on our first meeting pero nangyari na. As of writing this letter, I ended up kung ano man meron kami. Kung ano man ‘yung mga nangyari sa amin tinapos ko na. Na blocked ko na din siya sa Facebook at wala naman sya alam na number ko at kung saan ako nakatira. Ang problem ko ngayon is, need ko ba sabihin sa wife ko. Sobrang guilty ng feeling ko at alam ko may alam din ang wife ko though walang confirmation. Woman’s instinct ba. Sobrang bait ng wife. Sobrang understandable. Pero kung sasabihin ko, baka mas lalo siya masaktan. ‘Di ba sabi nga “what you don’t know won’t hurt you.” Do I need to keep it to myself and move on and be the man/husband I was used to be or do I really need to tell it to my wife? At paano ba talaga mag move on eh feeling ko attached pa din ako sa kanya? Please help me to decide po. Thank you in advance sa payo niyo.

    Sincerely,

    Mr. Chickboy

     

    Hi Chickboy!!

    Magtino ka!!

    Parang anak mo na lang ‘yan. One more thing, tingin ko sa batang yan may father issues dahil mahilig sa medu may edad sa kanya. Lalo pa’t DADA ang tawag sa’yo.

    Nagawa mo nang dayain ang asawa mo. Sana magawa mo ring ituwid ang mali mo.

    Pero kung ipagpapalit mo ang 17 years ninyo sa nakalaro mo sa Everwing, eh nasasa’yo ‘yan.

    Ang hirap ng pinasok mo, na kahit wala na kayo eh stress ka pa dahil sa nagawa mo sa asawa mo. Affected ka kasi nagbago feelings mo sa asawa. So pano na? Pano na mga anak niyo? Pano na pamilya niyo?

    Ikaw ang lalaki, magpaka padre de pamilya ka, ayusin mo sarili mo.

    Nangyari na ‘yan. Tanggapin mo na HINDI PWEDE, and I am glad you have ended it already. I hope wala ng part 2.

    Kung ipapaalam mo sa asawa mo? It’s really up to you. If you want to come clean and be honest, yes, tell her. But be ready na lagi ‘yan mauungkat at mapaparaning siya.

    If you love your wife and your family, protect her. Protect them from all this, I believe some things are better left unsaid.

    Lastly, stop playing online games! May kakilala ako ineskandalo ng asawa nang nakilala niya at nakarelasyon niya sa COC. Wala na sila ngayon nu’ng lalaki pero hanggang ngaun binubulabog pa siya nu’ng asawa.

    Be productive on matters that will improve your life. Not destroy the kind of life you’ve built hard for years.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.