CHLOE'S INBOX
Kill Them With Kindness
September 28, 2017
-


Good day DJ Chloe,
Please hide na lang may identity. About sa byenan ko po ang ish-share ko. ‘Yung byenan ko po kasing babae sobrang plastic. Sorry sa word ko pero totoo po. ☹ ‘Pagnandyan ang hubby ko tsaka niya lang papansinin ang mga anak ko. ‘Pag wala dedma lang siya. Meron po kaming tatlong anak na babae ni hubby ang dalawa po parehas na nag-aaral. ‘Yung bunso three years old pa lang.
Full-time mom po ako sa kanila. Umulan-umaraw lagi kong bitbit si bunso sa paghatid at sundo kahit nakikita ng byenan kong babae dedma lang siya. Sabagay naman po ‘di ako ang tipong aasa sa kanila. Ang kinaiinis ko pa sa kanya ang galing niya gumawa ng kwento sa ibang tao para makuha ang simpatya nila. Pero ang ‘di niya alam pagnakatalikod siya pinagtatawanan din naman siya.
Sa ginagawa niya nawala na ang respeto ko sa kanya at konting pagmamahal kahit alam ko na magulang siya ng asawa ko. Ang ginagawa ko na lang po ‘di ako lumalabas ng bahay para lang iwasan ko na lang din siya. ‘Di din po ako nakikipag-usap sa kanya unless na may tinatanong siya. ‘Di naman po lingid sa kaalaman ng mister ko ang ginagawa ng nanay niya ganun pa man pagnagsasabi ako sa kanya or ginagawa ng nanay niya sasabihin niya na lang sa’kin ‘wag ko na lang daw pansinin. ‘Di ko maintindihan ang ugali ng byenan ko kahit sarili niyang dugo sisiraan niya para lang magmukha siyang kawawa.
Sa totoo lang po, DJ Chloe, pinipilit ko siyang mahalin kasi nanay siya ng asawa ko pero ‘di ko magawa halos ayaw ko na nga lumabas ng bahay para lang ‘di ko siya makita. Mabait lang siya pag-uutang siya or hihingi ng pera pero dahil naman sa inis ko ‘di ko siya binibigyan. Kasi natitiis ko siya. Kami never siyang nangapa sa’min o mag-abala kamustahin kami kung okay lang kami or may kinakain pa kami. Pero pag ang bunso niyang anak nangailangan agad-agad nagbibigay siyang pera, pambili gatas at diaper. Meron po siyang favoritism in short.
Ano po ba dapat kong gawin nakakastress po kasi. Sana po mabigyan niyo po ako ng advice. Salamat po! Palagi po ako nakikinig sa inyo sa radyo.
Miss F
Hi Miss F!
Ano ang pwede mong gawin? Wala. ‘Wag mong patulan. Instead, pakitaan mo ng kabutihan. Kumbaga, kill her with kindness.
Kung ‘yan talaga ugali niya, eh naugatan na ’yan. But you make crush an enemy if you make him or her a friend, ‘di ba?
So win-win situation ka dapat.
Pwede kayong lumipat ng lugar nga asawa mo, ‘yung ‘di mo siya makikita araw-araw at makikita mo lang siya siguro pasko or pag may okasyon.
Ikaw na lang ang umiwas at umintindi dahil unang-una ‘di ka naman kasi anak niyan kaya ‘di ka talaga iintindihin niyan. Bilang nanay ng asawa mo, irespeto mo na lang siya at ‘wag mo nang patulan.
Wala naman akong ibang maipapayo sa’yo kundi ‘yan lang.
Dedmahin mo ng bonggang-bongga ang ginagawa at maging mabuti ka pa rin sa kanya. Or lumayo kayo ng tirahan. Other than that, wala na. ?


-
COMMENTS














