Make Your House A Home
X

CHLOE'S INBOX

Make Your House A Home

October 2, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---MAKE-YOUR-HOUSE-A-HOME

    Dear DJ Chloe ,

    Hi! Lagi akong nakikinig sa program mo. Galing ng mga advice mo po, avid fan po ‘ko ng 96.3 Easy Rock. Sa car ko isa lang radio station ko, Easy Rock lang po and I hope you can also give me an advice. You can call me na lang Miss N.

    I can say po na swerte po ‘ko kasi po I have a son na lucky charm ko po. Happy naman po life naming. Madalang lang kami mag-away ng hubby ko pero pag nag-away super away talaga po.

    At every time na nag-away kami lagi niya sinusumbat sa’kin na masama family ko. Nakakarindi na pero aaminin ko may galit ako sa family ko. Except to my lola and my true mom kasi kahit wala na sila alam kong ginagbayan nila ‘ko.

    Yup, pinag-aral ako ng father ko hanggang college pero sa mga problems na dumating sa’kin ‘di niya ‘ko natulungan. Lalo na nu’ng nagwork na ‘ko at kumikita na ‘ko. Pero may times na down ako pinabayaan niya lang dahil takot siya sa stepmom ko. At nasaksihan ng hubby ko life ko sa family ko. Aaminin ko na down ako pero tumatayo pa din ako sa srili kong sikap kasi ang inspirasyon ko ang anak ko.

    Kaso every time na nag-aaway kami ng hubby ko lagi niya sinasama pamilya ko sa mga ginawa sa’kin nun. Nakakarindi na po. Ngayon, mganda life naming. Nabigyan ako ng malaking blessings kaya umalis na kami sa Manila. Dito kami sa lugar niya. Happy naman kami at dama ko ang love ng family at relatives niya sa’kin kc welcome talaga ‘ko sa kanila.

    Nu’ng dito na kami sa place niya dumami friends niya kasi nga nakita sa Facebook niya mgandang buhay naming. Meron kaming business, sa madaling-salita mayaman na kami.

    Ngayong nahihilig  husband ko sa Facebook marami ka-chat. Kesyo batchmates and ka-frat nila ng pinsan niynga babaero. At lagi na umaalis so nagduda na ‘ko lalo na ‘di niya mabitiwan cell niya hanggang CR. ‘Di naman siya ganon nu’ng nasa Manila pa kami. Ngayon nag-away kami ‘di ko siya kinikibo kahit anak namin sabi nagfeeling teen-ager daw daddy niya. Tapos ‘di naman kasali family ko lagi niyang sinasama sa away namin. Kaya sagot ko sa kanya, “Wala ‘kong ginawang masama sa pamilya mo.” Hanggang lumaki na away namin. Ngayon, one week ko na siya ‘di kinakausap and my son told me na balik na lang kami Manila kasi hindi siya happy dito. Nanibgo sa school niya. Kaya naiisip ko next year balik na lang kaming Manila. Benta ko na lang house ko dito at ‘yung sa business ko at mag-apartment business na lang ako sa Manila. Kasi ‘yung hubby ko dito niya gusto, masaya siya dito. Pero ako, okay lang. Pero ‘yung anak ko hndi happy dito at ayoko din antayin pa na magkaron siya ng babae dito kaya gusto ko na lang makipaghiwalay. Please give me an advice po. Thank you and God bless sa’yo.

    Miss N

    Dear Miss N,

    Try mo hiramin cellphone sabihin mo may ite-text ka kasi wala kang load. ‘Pag ‘di naibigay sa’yo or nagbura muna, alam na this.

    Alam mo minsan, ‘di naman lahat ng lalaki ‘no, pero madalas pag ang lalaki nagkakapera, kung ano-ano naiisipang gawin. In your case, mukhang totoo nga. ‘Di kasi busy husband mo to make ends meet kasi he has a wife na magaling magnegosyo, tulad mo.

    Before ka magdecide bumalik sa Maynila, kailangan ma-prove mo muna ang mga hinala mo sa asawa mo para mas may reason ka to really leave at bumalik nga dito sa Manila.

    Nalilibang nga yata dyan si mister at nag-eenjoy magbuhay binata. Kausapin mo ng mahinahon at sabihin mo kung ano ang mga napapansin mo. Kung importante sa asawa mo ang pamilya niyo, ikaw, ang anak niya, he will understand where you’re coming from and he will shape up. If he doesn’t, kayo ng anak mo magship out, hayaan mo muna siyang mag-enjoy sa buhay niya. Baka tumanda ka sa kunsumisyon. Or impake mo mga gamit niyo kasama ng mga gamit niya, balik kayo dito sa Manila, sunod na lang kamo siya ‘pag matino isip niya.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.