Relationship Is Only For Two
X

CHLOE'S INBOX

Relationship Is Only For Two

October 4, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---RELATIONSHIP-IS-ONLY-FOR-TWO

    Hi DJ Chloe,

    I don’t know if tama ba ‘tong publicized pa ‘yung nangyayare sakin ngayon pero gusto ko po sanang makahingi ng insights mo at makakuha ng advice sa dapat kong gawin.

    Honestly, nasasaktan pa din ako hanggang ngayon. Ang dami kong regrets at hindi ko siya makalimutan to the point na gusto ko pa din siyang habulin kahit walang wala na. This story may sound very silly but I decided to share it with you since I desperately need your advice.

    Nagmo-move on ako noon sa isang break up nu’ng nakilala ko siya. Actually, magkateam kami, nagwo-work kami sa isang call center sa MOA. At first, hindi ko siya napapansin, hindi naman kasi sya gwapo so casual na hi-hello lang kami sa office at dahil nga bangag pa ko non dahil sa broken-hearted ako. Then one time nagkatabi kami ng station, nagkapalagayan ng loob, nagbibiruan sila ng mga barkada niya na maganda si QoaUW crush daw nya si QoaUW noong una wala lang hindi ko pinapansin pero lumipas ang mga araw na palagi na kaming magkausap, personal at thru chat kapag magkahiwalay kami, as in 24hours, araw-araw niya akong sinusurprise ng mga chocolates, breakfast, at mga favorite foods ko. Hinahatid nya ko pauwi from MOA to Bulacan, sabay kami pumapasok sa umaga, kapag-off namin pumupunta siya sa Bulacan para magdate kami. Pinapaalam namin kung nasaan ang isa’t-isa, lumalabas kami, nanonood ng sine, kumakain literally dating, and nagho-holding hands na kami, nagha-hug, nag-i-I love you at nagkiss. Pero take note may girlfriend siya nu’ng mga panahon na ‘to. And 6 years sila. ☹

    Alam kong mabait siyang tao. Ipinaglalaban ko sa mga kaibigan ko na mabait siya despite of the truth that he’s in a longtime relationship yet he’s doing those things with me. Actually, gusto niya pa nga na makausap ‘yung ex ko para ipaalam daw dun ‘yung sinayang niyang babae. Aaminin ko kahit alam kong mali ‘yung ginagawa namin hindi ko inisip na huminto kasi nga masaya sa pakiramdam. Nakalimutan ko ‘yung feeling na broken-hearted ako dahil napalitan ng mga masasayang bagay na ginagawa namin. Dumating ‘yung araw na nalaman nu’ng girlfriend niya ‘yung tungkol sa’min. Nagbreak sila. 2 days after their break up nagsabi siya sa’kin na gusto na daw niyang manligaw sa’kin at i-formalize ang lahat since usap-usapan na kami sa office. Sumagot ako na, “Hindi p’wede, ayaw ko. Mag-usap kayo at ayusin niyo kasi sayang ‘yung relasyon niyo.” Lumipas ang mga araw na tuloy pa din kami sa normal naming treatment sa isa’t isa. Pero dumating yung isang araw na nagmessage na lang siya sa’kin ng “kami na ulit.”

    Ang sakit. Gusto kong umiyak, sumigaw, at manakit para mailabas ko ‘yung nararamdaman ko no’n. Sarado ‘yung isip ko. Hindi ko maisip na ganon ako masasaktan. Hindi ko pala kaya. Ang dami kong “what if’s” at ang hirap-hirap. What if, hinayaan ko siyang manligaw? What if, kami na? What if hindi ko na lang sana pinasok ‘to? ☹ Dahil sarado na ‘yung isip ko, kinausap ko ‘yung girlfriend. Dahil sa pakiramdam ko na ginamit niya ‘ko at gusto kong makaganti itinuloy kong imessage ‘yung babae. Nagsagutan kami kahit obvious na ako ang talo. Lumaban ako. Pinagchismisan ako sa office kung ano-anong masasakit na salita ‘yung mga naririnig ko like I’m a relationship wrecker, kabit, malandi and all those pero pinilit kong ‘wag patulan. And s’yempre ‘yung girlfriend n’ya pa din ang pinili n’ya. ‘Yun ‘yung mga panahong gusto ko na lang maglaho at lumubog sa ilalim ng lupa.

    Ngayon wala na siya sa opisina. Nagresign na syia. Nagsorry siya sa’kin pero hindi sapat. Hindi ko siya makalimutan. Gusto ko pa din siyang habulin. Ang dami kong tanong na kahit ‘yung sarili kong utak ang sumusuko. I want him back. I miss the old us. I honestly can’t move on. Gisingin mo sana ako sa advice mo, DJ Chloe.

    Respectfully,
    Queen of all Unspoken words

    POR DIYOS POR SANTO, nakakaloka ka! You know from the very start he is committed for six years. Sumigi ka pa rin? Why? You felt superior? Na kahit may girlfriend eh nanliligaw sa’yo? ‘Di ba dapat red flag ‘yun? Turn off ‘yun sa’yo? Kasi kung kaya niyang lokohin ang girlfriend niya, eh ano pa kaya ikaw?

    Well, maybe, he fell in love with you, kasi ang lalaki ‘di naman nag-eeffort ‘yan na from MOA to Bulacan eh ihahatid ka kung ‘di yan sa’yo seryoso. Pwede ka naman i-book ng sasakyan tapos i-monitor ka na lang kunyari, ‘di ba? But he made efforts and the girlfriend found out and he decided to dump the girl and pursue you. Eh nagmahaba ka ng buhok mo. Anong kadramahan ‘yan  na pagkatapos mong makipagdate sa isang taong may girlfriend na pala. Nood sine, holding hands, kissing, and saying “I love you’s” eh itataboy mo rin lang pala. Oh eh what did you make him feel? Na ‘di rin siya feel after all this time. After all the kissing and dating and all and after nilang magkagulong dalawa eh, itataboy mo siya pabalik sa girlfriend niya? Eh ikaw ang may problema pala eh. Naduwag ka? Ngayon ka pa nahiya? Dapat pinanindigan mo na. But then again, maybe he realized, mahal niya talaga girlfriend niya kaya lumayo na lang at tinapos na ang “kayo” ng tuluyan,

    Ngayon magda-drama ka na ‘di ka maka move-on…enough!!!!!

    It’s enough that you have enjoyed his company, his love, his attention. Next time, be a lady enough to respect other people’s relationship. Pag-alam mong meron nang nagmamayari, don’t even think about it. ‘Di ko na palalawigin. Deal with what you feel decently, lilipas lang ‘yan. And in time, you will find and meet someone not committed who deserves the whole you.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.