Better Things Are Coming If You'll Let Go
X

CHLOE'S INBOX

Better Things Are Coming If You’ll Let Go

October 11, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---BETTER-THINGS-ARE-COMING-IF-YOU'LL-LET-GO

    Hi, DJ Chloe!

    Just call me Tim. Gusto ko lang manghingi ng advice kung ano po gagawin ko. May girlfriend po ako for almost three years na. May anak na po siya. Tapos last August may pinagtapat siya sa’kin, ‘yung girlfriend ko. ‘Yung tatay daw po ng anak niya ay gustong bumawi. Tanggap po ng both parents ko silang dalawa. Lahat ng reunion namin kasama ko sila, then sabi ko anong desisyon mo? Sabi nia hindi niya alam, bigyan ko daw siya ng space. Syempre nagulat ako. Then sabi ko kung mahal mo talaga ako hindi ka mag-iisip, ako agad pipiliin mo. Then sabi niya, “Bigyan mo muna ako ng time and space.” ‘Yung father pala nu’ng bata three blocks away from their house lang. Then hindi ako pumayag sa hinihingi niya, bumawi ako ng todo, sinusundo ko siya pag-uwi ko. Eight to five duty ko, siya two to eleven PM. Ang work ko ay from San Jose, Bulacan, siya SM North Edsa. Todo effort ako nun. Lagi din ako bumibisita sa kanya. Then one day may nabasa ako sa chat niya ng hndi niya alam. Nagchat sila ng tatay nu’ng bata. So sweet at gusto na daw ng girlfriend ko na magsama na sila, super sakit lang po. Pero hindi ko sa kanya sinabi na alam ko. Nagtanong ako sa kanya, sabi ko, “Ba’t kaya tayo nagkakaganito ngayon?” Sabi niya, “Kasi ikaw eh.” Nawalan po kasi ako ng work nun. Lagi akong galit sa kanya, lagi ko siya inaaway, lagi akong mainit ulo kahit hindi niya kasalanan. Siguro po naging ganun ako kasi sobrang stress at depress ko. Kasi I’m the bread winner of the family. Iniisip ko lagi san ako kukuha ng ipangkakain at ipangbabayad ng mga bills. ‘Yung biglang may ganung reason na. Tas one time may nabasa na naman ako nu’ng magkasama kami nagmake love na sila at natutulog na siya dun sa guy. Binalak kong magsuicide nun sa sobrang depress ko sa nalaman ko. Hindi na ako nkakatulog ng maayos at nkakakain, ayaw niya din naman ako bitawan. Tinutulungan ko po din kasi financially despite ng lahat. Hindi ko siya inaaway, nagbulag-bulagan ako. Hindi ko din sinasabi sa family ko kasi ayaw ko masira siya. Ngayon po ay pagod na pagod na ako at gusto ko nang sumuko. Ano ba dapat kong gawin? Itutuloy ko pa po ba? Inoffer niya sa’kin kahapon lang na maging BFF with benefits na lang kami. Papayag po ba ako? Ano po bang maia-advice niyo sa’kin? Thanks po, DJ Chloe.

    Hi Tim,

    Pahinga ka na. Ipahinga mo na ‘yang puso mo at isip mo. Tapos na laban, Tim. Nagawa ka na niyang lokohin, so tama na. Baka sa sobrang sama ng loob mo sa mga nalaman mo, magdilim ang paningin mo. Ano pa magawa mo. Let her go. If you love her and if you also believe you deserve a better life, LET HER GO. Sa una lang ‘yan mahirap, masakit, pero mas masakit if you stay. Mas mahirap if you stay and unti-unti kang mawawala sa katinuan mo if you stay. If you treated her badly, tapos na ‘yun nagawa mo na, maybe it contributed sa pagkawala ng pagmamahal niya sa’yo. Pero bumawi ka naman, ‘di ba? Kahit anong bawi mo, kung hindi siya solid sa’yo, wala ‘yun sa kanya. Wala na rin siya sa katinuan, sila ng ama ng anak niya ulit tapos BFF kayo with benefits? Hawaan ng sakit in the future ang gusto niya. So just pick up the pieces of your broken self and decide to let go. May bukas pa Tim, marami pang babae, marami pang magagandang bagay na pwedeng mangyari sa’yo if you just let go.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.