CHLOE'S INBOX
Choose What’s Best
October 12, 2017
-


Hi, DJ Chloe! I badly needed someone to talk to tungkol sa nararanasan ko ngayon. Sobrang lito ako. I feel so depressed. It’s been a month since I gave birth to my second child. Hindi po ako kasal sa tatay ng mga anak ko dahil nu’ng binalak naming magpakasal nu’ng nabuntis ako sa panganay namin eh tutol ang nanay ng partner ko kaya naisip ko ‘wag na lang ituloy kasi malas sa relasyon ‘yung walang blessing ng both sides. Pero gusto po kaming ipakasal ng tatay niya at excited sa magiging apo niya that time. Fast forward. Ngayon po ay magkahiwalay ulit kami ng tinitirahan ng partner ko. Sa unang pagbubuntis ko nagtry kami magsama sa bahay nila pero three weeks lang ang itinagal. Nu’ng nabuntis naman ako sa second child namin two months lang dahil ulit sa ‘di kami magkasundo ng nanay ng partner ko. I’m trying to avoid her para walang gulo. Pero I cant help magka-away kami na halos araw-araw pinaparinggan niya ako ng masasamang salita. kahit andun ang partner ko GO pa rin siya. Ayaw niyang nakikitang magkatabi kami ng anak niya sa higaan. One time sinabihan niya kami na tumayo na kami at umalis dahil nangangati na naman daw ako. To think na five months pregnant na ‘ko that time. Ultimo ‘yung kapatid niyang babae na-cyber bully ako at halos buong kamag-anakan nila pero wala man lang ginawa ang partner ko. Inaway ko siya at sinabi ko kung anong pinaggagawa ng kapatid, pinsan, kamag-anakan niya sa’kin pero wala siyang response. Hanggang sa umabot sa pinabaranggay ko ‘yung magnanay dahil gusto na akong saktan ng pisikal. Alam po nila na maselan ang pagbubuntis ko. Umiinom po ako ng pampakapit at bedrest ang advice ng OB ko tuwing check up ko dahil sa stress ko sa kanila. Hindi ko na po nakayanan at sinagot ko siya at nakitira sa bahay ng kaibigan ko. Nagka-away din po kami ng partner ko at sabi niya bakit ‘di ako gumawa ng paraan para magustuhan ako ng pamilya inya. Iuupa daw niya kami ng bahay pero hindi siya sasama. Sobrang sama ng loob ko pero tinanggap ko na lang ang desisyon niya kesa tuluyang makunan ako dahil sa stress. Pinakausap ko po siya sa tropa niya na halos tatay -tatayan na nila at sabi sa’kin na nalilito daw ang partner ko at nahahati kung sino sa’min ang pipiliin niyang samahan ng nanay niya. Nasabi ko na lang po na ‘wag nang pilitin na sumama sa’min at piliin kaming mag-iina. Kung mahal niya talaga kami siguro sa pangalawang pagkakataon eh kami na ang pipiliin niya, kaso hindi. Ngayon po ay nagbabalak kaming mangupahan na kami ang magkakasama. Natatakot po ako, DJ Chloe. I’m afraid of staying with him in one roof for awhile, magiging masaya tapos after a month or two susustentuhan na lang niya ulit. Siguro kasi mahal ko pa rin siya after all. Ang tanga ko lang, ‘di ba? Nagdesisyon na po kasi akong makipaghiwalay sa kanya dahil sa lahat ng hirap at sakit na naranasan ko noon hanggang ngayon gusto ko na pong isuko ang relasyon namin kasi feeling ko ako lang ang gumagawa ng effort para maging maayos kami. Now I don’t know what he’s up to kung bakit naisipan na niyang umupa na kasama kami ng dalawang anak niya. I don’t know what to do pag nasa isang bubong na kami. Naiisip ko tuloy sabihan siya na ‘wag na siya sumama sa bagong uupahan namin. Please help and hide my identity. Thanks in advance!
– Ms. Double E
Ms. Double E,
Hindi talaga ideal ang makitira sa in-laws, maliban sa hindi ideal, hindi naman talaga dapat.
Mukhang wala pang plano mag-asawa ang partner mo, maliban sa hindi maiwan ang nanay niya, hindi rin kayo maprioritize ang mga anak mo. Akala niya lang gusto niya nang magpamilya pero sa totoo lang, mas gusto niya sa ilalim ng saya ng nanay niya. :D
Hayaan mo na siya, ikaw naman nagpadalawa ka pa eh pero andyan na ‘yan tigilan mo nang pahirapan ang sarili mo, isang bagsak na desisyon lang naman ‘yan, tapos ang problema mo.
If you’re telling me thru your message na ‘di ko na ininclude dito na you were very independent dati, eh makakayanan mong wala ‘yan.
Tanggapin mo na lang ang sustentong binibigay, at least nagbibigay, tapos ‘wag mo na siyang isama sa buhay at bahay mo, lalo kung ningas-kugon siya. Magsisimula magpamilya tapos ‘di tatapusin, ano ‘yan trial and error lagi?
Balik mo sa nanay niya, sila na lang kamo magpakasal. You don’t need a mama’s boy.


-
COMMENTS














