Relationships Should Make You Better Not Bitter
X

CHLOE'S INBOX

Relationships Should Make You Better Not Bitter

October 16, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---RELATIONSHIPS-SHOULD-MAKE-YOU-BETTER-NOT-BITTER

    Good morning DJ Chloe,

    I’m your avid listener at lagi akong nagbabasa ng sulat galing sa mga sender niyo. Sa office namin sa inyo din kami laging nakatutok. Mula pagpasok hanggang uwian. Just call me Krisha, 23 years old. May boyfriend ako, three years na kami. Sa kanya ko naranasan ang lahat ng first time sa buhay ko. Sa unang taon namin, sobrang saya namin and I can say that I really love him. I did everything as a girlfriend niya, nag-effort ako, naglaan ng time para kanya. Pero ‘di maiwasan ang mag-away at magkakaroon ng ‘di pagkakaunawaan sa isang relasyon. Madalas nkikipagbreak siya sa’kin at ako ‘yung habol ng habol at nagmamakaawa na ‘wag niya akong iwan. Minsan, ginawa ko nang lumuhod para hindi lang kami maghiwalay. Sobrang mahal ko siya. Sa tatlong taon namin, sobrang dami na naming away, ‘yung feeling na mapapasuko ka na lang. Naisip ko na mas mabuti sigurong maghiwalay na nga kami kasi ako na lang lagi ang nagmamakaawa sa kanya. Tanggap ko na. Until such time, nagkabaliktad ang mundo namin. Kapag meron kaming ‘di pagkakaintindihan, ako na yung nag o-offer ng break up at siya naman ‘tong ayaw, at nananakit pa, nambubugbog, nag i-eskandalo, nambabastos through words and action, (buti nalang nasa loob kami ng sasakyan, hindi pansin ng mga tao na nasa labas) at lagi niyang sinasabi na hindi ko mararanasan ang sarap ng buhay kundi dahil sa kanya at hindi ako magkakaroon ng mga bagay na pinapangarap lang ng iba. Ang sakit, DJ Chloe. Sobra po talaga. At dito, pakiramdamdam ko unti-unting nawawala ‘yung love ko sa kanya dahil sa mga sinasabi at ginagawa niya sa’kin. Sa ngayon, medyo madalas pa rin kaming nagkakaroon ng misunderstanding dahil sobrang higpit po siya. Wala akong close friend at ‘di ako nakakagala dahil paniguradong magagalit siya at mabilis mag-init ang ulo ko sa kanya. Parang ayoko na kasi talaga. Siya lagi ‘tong makulit, gustong makipa- ayos. At DJ Chloe, ramdam kong sobrang mahal niya ‘ko ngayon. Medyo nagbago naman na po siya simula nu’ng pinaparamdam ko talaga sa kanya ang pait at sakit na pinaparanas niya sa’kin dati. Ayaw pa rin nya na magkaroon ako ng close friend at sumama sa mga workmate ko. ‘Di pa rin naman po nawawala ‘yung effort ko sa kanya. Araw-araw pa rin kaming nagkikita after work. Pinupuntahan ko pa siya after work ko, na dalawang taon ko nang ginagawa. Kahit medyo malayo at nkakapagod ang biyahe. ‘Di ako nagrereklamo kahit siya naman ‘tong may sasakyan. Mas maaga po kasi uwian namin. Anong gagawin ko, DJ Chloe? Naguguluhan kasi ako. Mahal na mahal niya ‘ko ngayon. At alam ko sa sarili ko na may pagmamahal pa rin naman ako sa kanya. Kasi po kapag wala kaming communication sa kahit isang araw lang, siya laging nasa isip ko at nalulungkot ako. Nasasanay lang ba ako na kasama siya? Possible ba na anjan parin ang effort pero unti-unti nang nawawala ang pagmamahal? Sana po mabasa niyo at mabigyan po ako ng payo. Maraming salamat.

    Love,

    Krisha

    Hi Krisha,

    Borderline ka na sa co-dependency. Excessive emotional or psychological reliance on a partner, nakita kaya? Ask yourself? why are you so dependent on him? One more thing, you still think he loves you so much when in fact hinahayaan ka niyang bumyahe ng napakalayo papunta ng opsina niya para lang sabay kayong umuwi? Eh ‘di ikaw susmusundo sa kanya, tama ba ‘yun? If a man loves you, he will always be concerned about your safety, your comfort, eh parang pinapahirapan ka pa nito eh sa kakacommute mo papunta sa kanya araw-araw??? Anong katungakan ‘yan, teh? Hindi na maganda pagmadalas na ang away. Examine your relationship. Is it still bringing you joy? Is it making you a better person or a bitter person? A relationship should bring out the best in you not the beast in you. A relationship should also make you grow not hinder you from growing because you’re being isolated. Hija, life is beautiful. Don’t let anyone dim your soul and don’t let anyone turn you into a person you’re not.

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.