Trust Is Expensive
X

CHLOE'S INBOX

Trust Is Expensive

October 16, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---TRUST-IS-EXPENSIVE

    Hello DJ Chloe,

    Nakapag message na din ako sa’yo dati. Pero na rumble ‘yung story. Maybe this time ma-clear na at maikwento ko ng maayos. Please hide na lang po ang identity ko. Just call me M Black, maaga po ako nagkaroon ng hubby at anak. Nagtagal po ang ang married life ko sa kanya for almost 13 years.

    Naging masaya naman ‘yung pagsasama namin bilang hindi legal na mag-asawa kasama ng isang anak namin. Pero after nine years. Nawalan na siyang trabaho eh biglang nakakitaan ko na siya na iresponsable siya talaga at gusto niya ako bubuhay sa aming tatlo. Noong,nagdecide siya na pumunta ng Manila para daw maghanap siya ulit ng trabaho, ako pala’y ginawang ATM machine na anytime hihingi siya ng pera para daw pang-apply at requirements at ‘di naman pala totoo.

    At nakapagdecide akong hiwalayan siya dahil magulang din siyaa sa pera at kung may maiaabot man siya sa bata nakukuhaan pa dahil sa kapatid. Instead of 15 thousand naging  five thousand na lang dahil may work naman daw ako at kailangan daw ng kapatid niya ang 10 thousand. After three years nang hiwalayan namin ng ex ko may nakikilala ako sa groups. Nakitaan ko siya ng ugali na hanap ko sa ngayon. Pagiging God-centered and family-centered. We had a long-distance relationship, calls and text every day, we have same situation with our past relationships kaso nga lang sa kanya ex niya ang nagloko at magulang sa pera. After six months we decided na magsama at naging okay naman ‘yung sitwasyon namin. Maraming challenges and getting to know each other. The relationship was a blessing and a lesson. Until her wife knew about us. It was a lesson for us. Blessing siya kasi nahatak niya ako ulit magtiwala at mag rosary daily and reading Bible. And lesson siya na hindi dapat magtiwala sa taong nakikilala mo lang sa group at magdecide ng ganun kabilis. Until her wife knew about us at nagkaalaman nga hindi pa siya nakamove on sa ex niya at ako kailangan lang sa buhay niya. At nagdecide akong bumalik sa lugar namin para mag-isip at makamove-on sa nangyari sa buhay ko. Pero simula nandito ako ‘di naman natigil ang communication namin. At nagkabalikan kami ulit at wala na sila ng wife niya. DJ Chloe, tama bang magrisk ako ulit sa relasyon o dito na lang ako maghanap ng work at magpakalayo na lang sa kanya? Help me. Thank you at God bless you.

    Dear M Black,

    Tama bang mag risk ka sa relasyon mo sa kanya? Kung tama sa tingin mo ang ginagawa mo eh ikaw lang naman makakasagot niyan kung meron kang sense of right and wrong. May asawa kamo, ‘di ba?

    ‘Wag kang masyadong maniniwala sa kwentong nagloko ang asawa, magulang sa pera at kung ano-ano pa. wala namang lalaking nambababae na pinupuri ang asawa nila, dib a? syempre sila ang bida , sila ang kawawa, si misis ang kontrabida kaya na “fall” siya sayo kasi si misis walang kwenta, ganyan ang kwentong kutsero ng mga babaero J.

    Siguro, layuan mo na lang, para sa ikabubuti mo, kasi baka maging ending mo na naman niyan ATM machine, feeling ko madali kang madala sa kwento eh.

    Try to live alone for a while. So, you can think clearly and find yourself and what’s best for you.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.