Do What Pleases You
X

CHLOE'S INBOX

Do What Pleases You

October 17, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---DO-WHAT-PLEASES-YOU

    Hi DJ Chloe,

    57 years old na ako may dalawang anak na lalaki. Hihingin ko lang payo mo. Nang magkasakit ang byenan kong babae ako ang nag-alaga sa kanila pero namatay siya siguro dahil sa may edad na din. Ang masakit nito ang mga hipag ko na halos walang ginawa nang may sakit ang mga magulang nila. Noong inilibing ang byenan kong babae marami silang sinasabi, nilason ko daw. Sabi ko edi pa-autopsy nila. Lahat ng abuloy at nagastos sa burol nakalista, binigay ko sa kanila. Dalawang taon ‘di nila kami kinausap pati mga anak nila tinuruan nilang bastusin kami. Sa akin okay lang pero sa asawa ko naawa ako. Mabait ang asawa ko, tahimik siyang tao. Nang magkasakit ang byenan kong lalaki ganun din ginawa nila parang naulit lang. Sa ngayon, okay na kami gusto nila na minsan magsamasama kmi parang REUNION, ako ang umaayaw kapag niyaya ako ng asawa ko marami akong dahilan. Tama ba na bigyan ko sila ng isang pang pagkakataon o baka may gawin na naman silang ‘di maganda. Matatanda na kami ayoko ng gulo. May mga apo na kami pare-pareho. Sa ngayon, tahimik ang buhay naming. Tama ba na pagbigyan ko ang asawa ko na makisama ulit sa mga hipag ko? Tulungan mo ako. Tawagin mo na lang akong NANAY. Maraming salamat kung babasahin mo ito sa programa mo okay lang. More power at God bless you always.

    Hi Nanay!

    Do what pleases you. If hindi mo sila feel, then ‘wag mong pilitin ang sarili mo. Life is short para maging half-baked sa lahat ng bagay. If you feel na hindi mo pa sila gustong makasalamuha then don’t and your husband should respect that. In God’s time mararamdaman mo rin naman ‘yan ‘pag ready ka na at sincere sila. For now, do what you think is right for you.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.