CHLOE'S INBOX
Say What You Really Mean To Say
October 18, 2017
-


Hello DJ Chloe,
Good afternoon po sa’yo at sa mga listeners ng Easy Rock. DJ Chloe, may ihihingi po ako ng advice. About sa amin ng ex-boyfriend ko. DJ Chloe, until now ‘di pa rin ako makamove on kasi mahal ko pa rin siya. I know napilitan lang siya magdecide na magbreak kami kasi sa mga sinabi ko. Last month lang po kasi siya umalis papuntang US. Seafarer po kasi siya bartender po.
Alam ko po mahirap maging LDR. Kaya po nagdecide ako na makipaghiwalay. Akala ko ‘di siya papayag. Gaya ng lagi niyang ginagawa. Matagal na rin po kami magkaibigan, almost two years. Before maging kami, DJ Chloe, nakipagbreak ako kasi alam ko naman na mawawalan na siya ng oras sa akin. Pero wala po akong iba. Pero until now ‘di pa rin ako maka move on. Tama po ba ginawa ko. Nagtry po ulit ako na ask siya kung pwde maging kami na lang ulit. Sabi niya ‘di pa raw siya makapagdecide. Alam ko nap-pressure lang siya sa work niya pero nandun pa rin ‘yung mga dati niyang ginagawa. Nagme-message pa rin siya kapag my Wi-Fi sa lugar kung nasan man siya. Namimiss ko na siya DJ Chloe. Sobra. Sana matulungn niyo po ako. Salamat po.
Broken-Hearted Me
Hi Dear!
Well, there’s nothing you can do but to patiently wait until he feels and decides na gusto niya na ulit kayong magbalikan.
Kaya payo sa mga kababaihan, maging sa mga kalalakihan, ‘pag ‘di kayo handa na mawala ang isang tao, never kayong magbluff ng hiwalay. Lalo na pag galit, ‘wag maghamon ng hiwalay kung ‘di naman kayang makipaghiwalay talaga.
Words — once it comes out of your mouth can never be taken back anymore.
One more thing, LDR kayo. Kaya ang hirap niyan aregluhin, unlike kung nandito lang ‘yan, puntahan mo sa office after-work , or sa bahay makipagbati ka, suyuin mo eh kaya mong gawin.
One time I hosted a family day ng mga seaman, nandun mga asawa nila, mga anak nila. And nu’ng nagspeech ‘yung may ari ng kumpanya nilang Singaporean yata ‘yun, ang pakiusap niya sa mga misis, girlfriend ng mga seaman na naiiwan dito ay kung pwede naman daw ‘wag nang bigyan ng problema ang kanilang mga asawang nasa barko kasi daw mahirap daw mag trabaho kapag magulo ang isip.
Tama naman siya, although dyan sa part mo medyo hindi mahihirapan si ex na maging magulo isip niya ‘cos I presume he works in a cruise ship. Party party ‘yan araw araw and sa nature ng job niya marami din nakikilala kaya siguro naging undecided.
If you really want him back, tell him so. And show him as well, patience is a virtue.


-
COMMENTS














