CHLOE'S INBOX
Do What You Have To Do
October 19, 2017
-


Good morning, DJ Chloe!
Please hide my identity. Sumulat ako para humingi ng payo tungkol sa work ko. I have been working in my current work. So far masaya naman at malungkot. Masaya kasi marami nman akong naging kaibigan sa work ko. Malungkot kasi in spite of my hard work and efforts ay parang wala napupuntahan ang career ko. Kung ikukumpara ko ang sarili ko sa iba kong mga kasabayan o same profession, masasabi ko naman na magaling ako at mabilis sa akong magtrabaho. Ang trabaho ko po ay isang auditor.
Ang problema hindi po ako mapromote sa aking trabaho. Dapat supervisory na sana ako pero dahil sa may mga shortcomings ako hindi ako prinopromote ng HR. Nagkaroon po kasi ng lapses sa aking work na hindi ko naman totally kasalanan. Ang problema kasi ay kulang sa manpower kung kaya nagkaroon ng lapses. Binigyan ako ng memo ng HR dahil dun at three days akong sinuspinde. Pinalagpas ko ang panahon na ‘yun at sumunod sa proseso. Marami akong mga kinukunsidera sa aking mga desisyon. Marami rin kasi akong mga dapat na bayaran at ako po ay isang bread-winner. ‘Yung mga pagkakataon na sana ay ibigay sa akin ay hindi naman ibinibigay sa akin. Wala na rin kasing challenges sa nature of work ko at masasabi ko na wala ng learnings dito. Kung ikukumpara ko ang sarili ko sa aking mga kasamahan ay ako po ang pinakasenior sa kanila. Need your advice. Salamat po
I’ve been a DJ since 1997, sa probinsiya pa. When I started here in manila, was given a break last 2009 here in Easy Rock ang mga superior ko mas bata pa sa akin. Ang mga ka-edad ko mga VP na.
My point here is wala sa posisyon ‘yan if you really want to excel in your work or field. ‘Pag hinog ka na sa panahon darating ‘yan sa’yo. What’s important is you do your job perfectly well enough because at the end of the day, the quality of your work will speak for you. I’ve also made some mistakes in the past, in my work, which gave me a lot of learning and have taught me how to be humble. I always believe that we are all where we should be and that there is a time for everything (Ecclesiastes 3:1).
What I’m saying is just do what you have to do, align your thoughts and actions to your goal and you’ll get there. Pana-panahon lang ‘yan. If God wants you to have it He will give it to you when He knows you’re ready for it. What you’re doing right now, all your experiences, it’s preparing you for something in the future. In time you will understand na kaya mo pinagdaanan ang lahat ay dahil kailangan. Dahil may kailangan kang matutunan, maaring hindi ka mapromote diyan sa kumpanya kung nasan ka ngayon but you’ll never know, maybe hindi ka nakatakdang tumagal or tumanda diyan at maaring magamit mo sa iba ang mga natutunan mo diyan. All your learnings are yours, and no one can take it away from you, lahat ng kaalaman at natututunan mo, in time magagamit mo ‘yan.
Just be diligent with your work and always think that you are working for God, so it becomes delightful to do. Mapromote ka man sa tamang panahon, diyan man or hindi diyan sa kumpanyang ‘yan, masasabi mong deserving ka, dahil kahit kelan hindi mo ginawang mang-apak ng iba, o kayay di mo kinailangan magsumipsip sa nakatataas sa’yo para lang may marating ka, ‘yung masasabi mong may napala ka dahil sa mga ginawa mo at pagsusumikap mo at hindi dahil may napala ka lang dahil sa ibang tao.


-
COMMENTS














