When Their Need Changes, So Does Their Loyalty
X

CHLOE'S INBOX

When Their Need Changes, So Does Their Loyalty

November 7, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-THEIR-NEED-CHANGES-SO-DOES-THEIR-LOYALTY

    Hi DJ Chloe,

    Good day! Namiss ko po kayo kasi ‘di ako masyado makarining sa inyong program kasi busy sa work. Ako po ay sumusulat ulit sa inyo upang humingi ng advice. DJ Chloe, itago niyo po ako sa pangalan na Ralph at gay po ako. Ako ‘yung gay na ‘di lang kalandian ang hinahanap kundi totoong pagmamahal ng isang tao, na nasa kaanyuan ng isang lalaki. DJ Chloe, ilang dating apps, ilang meet-up na with guys po ako. Ako ‘yung gay na ‘di bet ‘yung mga katulad ko rin na gay, opo, gusto ko po ay isang straight na lalaki. Habang nakikipagmeet po ako sa kanila, alam ko na pera lang talaga ang habol nila. Lahat ng nameet ko na lalaki ay pera lang talaga ang habol. Last September 2017, nagchat po ako sa isang dating app, pero malay ko ba bakit ako nagkainterest na makipagchat sa mga sundalo, marines, o ‘di kaya air force. Isang beses nakipagchat ako sa isang sundalo, mga nasa 32 years old na siya, at para sa akin gwapo siya. Ang ginamit ko po ay isang poser na account, nagpanggap ako na ako ay isang babae. Na-remember ko, DJ Chloe, sarap ng kwentuhan namin, exchange pictures pa kami, at minsan nag-invite siya na punta daw ako sa lugar nila kaso nagdecline ako dahil poser ako. Dumating ang araw, DJ Chloe, tinanong niyo ako. Ang sabi niya, “Umamin ka nga sa akin? Babae ka ba? Okay lang naman sa akin kung hindi.” Deny pa rin ako noon pero nakonsensiya ako at umamin po. Tinanong niya ako kung ano picture ko talaga at bakit ko daw ‘yun ginagawa. Dumating ang time, DJ Chloe, na nagmeet kami kasi may training sila dito sa amin, ayun kwentuhan kami, konting inuman, at pinatira ko siya sa isang hotel since ‘di po siya taga Davao. DJ Chloe, nu’ng gabing ‘yun, may pakiusap siya sa akin, kung pwede ba daw siya makautang ng pera kasi pambili daw niya ng isang kagamitan na ‘di ko na lang po sasabihin. Dagdag pa niya, ibibigay ko ang lahat basta mapautang ko lang daw siya ng pera. DJ Chloe, may anak at hiwalay na po siya. Sabi niya sa akin na ang pera niya ay nasa pamilya niya, at konting allowance lang ang meron siya. After ko marinig ‘yun, DJ Chloe, eto na naman, pera na naman kailangan. Sabi ko sa kanya excuse me, kung manghihiram ka ng pera, sige papahiramin kita, pero sasabihin ko sa iyo, ‘di ako malandi tulad sa iniisip mo sa isang bakla, at ‘yun nagsorry siya. DJ Chloe, may nangyari po sa amin, ‘di ko naman ‘yun kagustuhan kasi siya ang unang gumawa ng move. DJ Chloe, after nu’ng first na nagmeet kami, palagi na kaming nagtetext pero minsan dinadalaw ako ng selos lalo na kung ang tagal ng reply niya sa text. Tinatanong ko siya kung ano ba kaming dalawa, at sabihin mo sa akin ang totoo kasi kaya kong tanggapin na ginagamit mo lang ako at ‘di na ako umaasa na mamahalin mo ‘ko. Pilit niyang sinasabi sa akin na ‘wag daw ako magselos, wala daw siyang ibang ka-chat, or katext man lang. Busy lang po daw siya sa work niya at dapat na unawaan ko daw siya. Sa ngayon, DJ Chloe, nagte-text pa rin siya, kinakamusta niya ako, pero may times talaga na ‘di siya makareply o ‘di kaya paggabi text siya sandali, tapos ‘di na nagtext kasi nakatulog daw siya sa sobrang pagod. Minsan sinasabi niya sa akin, na mahal niya daw ako, huwag daw ako magselos, unawain ko daw ‘yung work niya bilang sundalo. DJ Chloe, kailangan ko pa ba na umasa na siya na ‘yung lalaking hinihintay ko? Kasi sa loob ng puso ko, bakit ako nagseselos, bakit ba iniisip ko na baka nang jajamming lang siya sa akin. Sabi niya pwede naman daw niya ako puntahan kung ‘di ako busy pero medyo malayo konti kung saan sila nakadestino. Mahal niya po ba ako? Or pinapaasa lang niya ako?

    Hi Ralph,

    Mahal ka ba niya or pinapaasa ka lang niya? None of the above, bes. It was your choice to meet him, to find out for yourself sino siya, anong klaseng tao, and anong pwedeng maging kahinatnan ng “meet up” niyo. And the usual happened, you meet, something happens, uutang ng pera, mag da-drama. Maniniwala ka, pauutangin mo tapos biglang ‘di na magre-reply, ‘di na tulad ng dati, ‘di ba? It’s a cycle and you alone can stop it. Haaaay naku! I hope you protected yourself when you went out with him, mataas na ang HIV cases sa Pilipinas. The fact he was that way with you, he could be that way with anyone. Maybe he’s married, maybe he’s not, maybe he’s separated, maybe he’s not. Who knows and who cares? Nasa sa’yo ‘yan kung pahahabain mo pa ang pagpapauto. Kasi obvious naman sis na inuto ka lang para makautang and I’m sure hindi ka lang once nagbigay ng pera diyan. So again, nasa sa’yo ‘yan. I know you’re only looking for someone who is true, you will find that person and you will know if that person is true to you paghindi pera ang bukambibig, walang dramang kailangan niya ng pera. Hindi ka uutangan ng pera.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.