Be A Woman On Your Own
X

CHLOE'S INBOX

Be A Woman On Your Own

November 9, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---BE-A-WOMAN-WHO-HAS-HER-OWN

    Hi DJ Chloe,
    Good day sa’yo. Gusto ko lang mag-ask ano ba ang mas maganda kong gawin. Money matters kasi ‘tong gumugulo sa isip ko ngayon. Medyo nakakasawa na rin naman pero this time gusto ko sana ‘yung hndi ako mukhang galit (kahit galit talaga ako). Para hindi na ako mukhang nkakaawa. Hindi ko kasi maitago minsan ang nararamdaman ko. Anyway, pera na naman nga ang issue dito, pera ng asawa ko hndi ko naman talaga pera. Before, lagi namin pinag-aawayan ang pera lalo na pag involve na ang family niya. Madalas kasi hndi siya mkatanggi o sabihin ko na hindi talaga siya makahindi kahit hirap at kapos na rin siya. Nagsawa na ako, DJ Chloe na ipaalala sa kanya na i-prioritoze niya naman ang needs ng mga anak niya kahit hindi na ang wants. Okay naman na kaso pagpumasok na ang family niya nababago na ang lahat. We used to plan a lot of things sa family namin. Kaso nag-iiba kapag may naisipan na namang bagong pagkakagastusan ang family niya. Until napagod na rin ako. ‘Yung tipong asang-asa ka tapos s huli nganga.

    Madalas kapag ka-chat ko siya ayan na naman ang daming plano. Hindi ko na rin kinokontra, hindi na rin ako umaasa dedma na lang para sa huli hindi na ako masaktan.

    Recently, his family asked for money. Nagpadala nmn sya (hindi ko ‘to alam, nabasa ko lang sa email niya dhil andun ang transactions niya with the remittance center). Lahat naman ng padala niya sa kanila hindi niya sinasabi sa akin dahil alam niyang pag-aawayan namin. Even makipag-usap siya sa family niya sa phone kapag nakabakasyon siya lumalayo siya sa akin. Ang ginagawa ko umaalis na rin ako pampalubag ko sa sarili ko. Ayun nga, nitong huli mukhang kinulang ‘yung padala. Before naman kapag napadalahan na sila wala naman silang sinasabi na dapat alam ko na nagpadala siya sa kanila. Pero ngyon ang sabi, “Hindi sapat ‘yung padala mo, ipaalam mo rin kay @#$£₩, bro.”

    Nu’ng nabasa ko ‘yan sa Facebook ng asawa ko ang unang pumasok sa isip ko ay binawalan ko ang asawa ko na padalhan sila kaya kulang. Honestly, DJ Chloe, ang tagal ko nang hindi pinakikialaman ang asawa ko sa pera niya, hindi ko na rin tinatanong kung magkano ang sahod niya kasi wala naman matinong sagot. Tanggap ko na nag-iba na ang asawa ko at hindi ko na mababago ‘yun. Hindi ko na rin tinatanong kung nagpapadala siya sa family niya kasi alam ko naman ang sagot. Before, pagsinabihan ko siyang unahin ang mga anak niya, ang sinasagot niya, ”Ang damot mo, swapang ka.” Lahat na yata ng masasakit na salita narinig ko na sa kanya pag pera na ang issue kaya give up na ako. Ayoko na makialam. Sa akin ngayon, ‘yung sustento niya sa dalawang anak niya at ‘yung monthly amortization ng bahay which is sobrang laki pa ng balance. Okay naman ang relasyon namin. ‘Wag lang pera ang topic dahil ang gulo. ‘Yun lang nga ‘yung ibang sinasabi niya hindi ko na kayang paniwalaan. Pero hindi ko naman pinapahalata.
    Tanong ko, DJ Chloe, dapat pa ba akong magreact sa sitwasyon? Nasasaktan kasi ako, DJ Chloe. Ako na naman ba ang dahilan bakit kulang ang ipinadala sa kanila ng asawa ko? Hindi na nga ako nakikialam naggive-up na ako matagal na. Pinabayaan ko na kasi anak namin at kapatid nila ‘yun, kadugo nila, ako hindi. Sinasabi na rin naman kasi ng asawa ko yan, na hindi ako ang pamilya niya sila. Natauhan naman ako dun. Tama naman kasi. Kaya dumistansya na rin ako. Sa akin, DJ Chloe, paano ko sasabihin sa kanila (sa asawa ko, kapatid niya at nanay niya) na hindi na ako nakikialam, na hindi ako magmumukhang bitter at kaawaawa sa mata nila. Gusto ko lang itira sa sarili ko konting dignidad kung dignidad man ang tawag dun. Hirap akong makipagplastikan sa kanila, lalo alam namin na may issue talaga. Pero sila ang galling-galing nila ngumisi, please help!

    More power to your show, DJ Chloe.

    Skylark

    Hi Skylar,

    Napansin ko ‘to sa sulat mo “Sinasabi na rin naman kasi ng asawa ko yan, na hindi ako ang pamilya niya sila.”

    So harapang sinsabi sa’yo ng asaw mo na hindi IKAW AT ANG MGA ANAK NIYO ang pamilya niya kundi SILA?

    Oh, malinaw naman pala eh. SILA ANG PRIORITY, HINDI KAYO.

    Why not start prioritizing yourself this time? Yourself and your kids.

    Get him out of the picture since stressed na stressed ka na at iba na rin tingin mo sa sarili mo dahil sa palagiang pag-una niya sa pamilya niya, then let him be.

    Ano pinanghihinayangan natin dito, dear? Dollars? Sahod dahil nag-aabroad? Magsipag ka dito sa Pilipinas, ‘di mo na kailangang mag-abroad.

    Isa pa, ‘di mo naman nararamandaman, ‘di ba? Dahil ‘di naman sa’yo napupunta.

    Alam ko na sagot mo, “Pano mga bata? Ayokong wala silang ama,” tama?

    Pagganyan na iisipin mo, ‘wag ka nang magreklamo, magtiis ka na lang.

    It is obvious na ang asawa mo ay walang matinong konsepto ng “panilya”, and ang pamilya niya naman ay sing-tigas ng semento ang mga mukha at wala ring matinong konsepto ng pamilya dahil ginawa siyang retirement plan. Hindi lang retirement plan. Ginawa na rin siyang ATM, banko, tagabuhay. Nakakaawa, actually, ang asawa mo. At ‘yan ay hinayaan niyang mangyari dahil lang sa hindi siya marunong humindi.

    You can stay married for, why not. Stay with him and be miserable all your life at ikamatay ang issue sa pera. Or stay married pero KANYA KANYA kayo ng pera, magtrabaho ka at mag-ipon para sa sarili mo at sa mga anak mo dahil wala kang aasahan jan sa asawa mo. Hindi kayo ang priority niya, sa kanya na mismo nanggaling.

    Or choose to be free, work and work, and live a happy life WITH YOUR KIDS.

    May asawa ka nga wala ka namang katuwang in the real sense of the word, anuhin mo ‘yan? Soli mo sa nanay niya.

    Kung asawa mo eh matino, ikaw dapat, actually, naghahawak ng pera niyan. At alam mo magkano sinasahod niyan. May kilala ako, asawa ng seaman, allotment ng asawa niya diretso sa kanya eh.

    Wala namang masamang tumulong sa pamilya natin pero ang ikaw na bumuhay sa kanila na may asawa ka rin at mga anak eh hindi na tama. At para naman sa mga pamilya na may mga anak na na pamilyado. Maawa naman po kayo sa mga anak niyo. Bigyan niyo naman sila ng pagkakataon na maging masaya at responsible sa pamilya nila.

    Kaya dapat habang bata pa, prepare for retirement. NO ONE IS TOO YOUNG TO START.

    Plan for retirement, ‘wag ang anak ang gawing retirement plan!!!

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.