CHLOE'S INBOX
Never Fall In Love With A Friend
November 24, 2017
-


Hi DJ Chloe!
Super emotional ako nung mga oras na pauwi ako from office. Bigla kitang narinig sa radio. I remember na nagmessage ako but it was not posted. So naisip ko magmessage ulit. Sana this time ma post na. I really wanted to get an advice from you and sa mga taong magbabasa nito. So eto na nga, DJ Chloe! I’m having emotional breakdown right now. As in I don’t know why I’m crying. Feeling ko nagpatong-patong na ‘yung mga bagay na nakakapagpalungkot sa’kin. This is still about him, I’m still in love with my gay best friend. This time malala na ‘yung feelings ko. At masyado na rin akong nasasaktan. Habang tumatagal, nawawalan ako ng pag-asa. Kahit alam kong kahit kaunting pag-asa wala naman talaga. Kasi nga, isa siyang bakla. Mukhang pati ‘yung pag-asa sumuko na din sa’kin. Ang sakit isipin kasi wala kang magawa kapag gusto niyang makipagdate sa kapwa niya gwapo. ‘Yung magkkwento siya sa’yo na ang saya-saya niya. Ang hirap pala non? I-fake ‘yung pinapakita mo sa totoong nararamdaman mo. Hindi ko nga alam kung nahahalata niya o hindi. Pero ang hirap maging masaya para sa kanya. Durog na-durog ‘yung puso ko. Gusto ko ng mawala ‘tong feelings na ‘to pero ‘di ko alam kung papano. Ang hirap talaga. ‘Pag siya na, I really cannot resist. Madami na nagsabi na umiwas ako. Pano ako iiwas? Anong idadahilan ko kapag umiwas ako? Hirap na hirap na talaga ako. Please help me, DJ Chloe! I love him. But I know malabo.
Darling
Dear Darling,
Ano idadahilan mo para makaiwas ka? Sus pag-ayaw, marmaing dahilan ‘pag gusto may paraan.
Enroll ka ng gym, cooking class, hanap ibang friends! Ang dami, dear!
Ikaw na mismo na nagsabi ultimong pag-asa sinukuan ka na, ‘di ba? Pwede naman magkaroon ng kayo niyan eh kung kaya niyang sikmurain kumain ng seafoods. ? Eh kaso nga hindi, maging kayo man niyan makalimot man ‘yan ng isang gabi eh babalik pa rin ‘yan sa gusto niya. Ang gusto niya ay MHIN. Hindi ikaw. So awat na, the. Hindi ikinaka-break down ang ganitong bagay. Marami pang ibang bagay na maaring mangyari na ikakabreak down mo. But not this.


-
COMMENTS














