CHLOE'S INBOX
Enjoy It While It’s There
November 30, 2017
-


Hi DJ Chloe!
This will be the 3rd time na magme-message ako. The first one was not posted. Pero ‘yung second message napost, and super thankful ako sa’yo and sa mga nagcomment. Darling here! ‘Yung friendship niyong nainlove sa isang barbie (Gay). Sana mapost din ‘to. Gusto ko lang mag thank you and magreact. May nagcomment kasi na nagsasabing “’Yun lang ikinab-breakdown mo”. Binasa ko ulit ‘yung message ko. Oo nga naman. Napakasimple lang nga naman ng problema ko kung iisipin.
Ma-inlove sa bakla? Oo, ang shunga lang. Umpisa pa lang dapat alam ko na. Keme. Sa totoo lang, hindi lang naman ‘yun ang dahilan kung bakit ako nagbreak down. Nakalimutan ko din kasi i-include na super stress na ako sa work ko. Na parang kahit anong gawin ko, bakit parang laging fail? Lagi akong kulelat? Isa din sa nakakapagpastress sakin eh ‘yung family ko. Hindi ko man lang matulungan. Hindi ko din matanggap sa sarili ko kung bakit ako na-inlove sa isang bakla after being single for five years now. Basta ang dami kong insecurities na kina breakdown ko na talaga. Lalo na ng mga oras na yun. Yung ate niyong barbie kasi, nagkwento siya na may manliligaw siya tapos parang gusto niya din. So ako nahurt ako ng very hard. Sinabayan pa ng anxiety disorder gawa nga dun sa mga bagay na nakakadepress. Hindi rin kasi ako makapag open up sa mga friends ko kasi nahihiya ako. Nahihiya akong umamin na naiinlove ako sa isang bakla.
Kaya sinasarili ko lang. Kaya nu’ng time na nagmessage ako halos parang sasabog na ako. Pero alam niyo, ang galing lang. Natuwa ako dun sa mga nagcomment. Walang nangbash. Ang sweet pa nu’ng iba. Medyo hard nga lang ‘yung iba pero na touch pa din ako. Hindi niyo ako kilala pero it feels like you’ve known me a long time ago. Anyways, tama kayo. At the end of the day, nga-nga pa din ako. Never niya akong magugustuhan. Alam ko naman ‘yun. Umpisa pa lang alam ko na ‘yun. Hindi ko lang talaga napigilan mainlove sa kanya. ‘Di mo nga talaga masasabi kung kelan ka tatamaan ng love. Kahit sino, ano pa ‘yan eh. Sa ngayon, hirap talaga ako iwasan siya. Lalo na’t nakasanayan niyo parehong magkasama parati. Sa opisina, kahit day offs, magkasama kami. Kaya ang hirap talaga umiwas. Baka kasi mas lalo siyang makahalata. Pero I am really trying. Paunti-unti. In time, guys, magsasawa din ako. Mapapagod din akong ma-hurt. Mahahanap ko din ‘yung saya ko kapag kasama siya sa iba.
Darling
Hi, Darling!
Merry Christmas!!!
Well, what can I say? May underlying reasons pala kung bakit nagkakaganyan ka. ‘Di bale na rin sanang stressed sa ibang bagay basta may jowa, ‘di ba? ‘Wag nga lang pasaway at dadagdagan pa ang stress mo imbes na tanggalin ang stress mo.
Sa mga sinabi mo, wala naman akong makita na hindi pwedeng walang solusyon. Una, sa work? Hija, nasa tamang trabaho ka ba? Minsan kasi baka bad match? Baka ang work mo eh hindi mo linya at baka mas nababagay ka sa ibang trabaho. Naisipan mo na bang magpasabog ng resume sa industriyang gusto mo talaga? Try mo.
Tumulong sa parents? Ba’t naman hindi mo magawa? Kahit wala kang datung na maibigay sa kanila ang alagaan mo lang ang mga magulang mo at bigyan ng oras ay pwede na. ‘Wag maging pasaway na anak. Pagkaya mo na, then magbigay ka sa kanila.
For now, siguro maganda enjoy mo na lang company ng Barbie mong friend na object of your desire. Minsan ‘yan ang ‘di maintindihan ng iba. Na imbes na i-enjoy ang kung anong meron sila, hanap ng hanap ng iba pa. Enjoy it while it lasts. ?


-
COMMENTS














