CHLOE'S INBOX
“Sorry” Can Never Mend Trust
December 7, 2017
-


Hi DJ Chloe,
Good morning po. Lagi po ako nakkinig sa station niyo almost every day po. Just call me Yskowie. I’m 32 years old. Manghihingi po sana ako ng advice about my situation, DJ Chloe. I’m married for seven years, may isa kaming anak. And last July nalaman ko na ang hubby ko ay may ibang karelasyon sa work niya. Sad to say, buntis na ‘yung babae. Nagta-trabaho din po ako ngayon, government employee kaya po magkalayo ang work place namin. Ang sabi sa’kin ng hubby ko ‘di niya daw po kami papabayaan at susuportahan lang niya ang anak niya doon. Umuwi siya sa’min this month at nalaman ko po na tuloy pa din ang communication nila ng babae niya. Ngayon po, wala na ‘ko tiwala pa sa kanya dahil punong-puno na po lahat sa kasinungalingan. Sana po mabigyan mo ako ng advice if ano po gagawin ko.
Sa ngayon po, oo, mahal ko pa siya pero ‘di ko po alam kung dapat pa ba namin ito ipagpaptuloy. Please, DJ Chloe, tulungan niyo naman po ako. Salamat po ng madami. More power po.
Hi Yskowie,
Well it all depends on you.
Maraming nagtitiis at tinatanggap na lang ang sitwasyon dahil:
- Sa mga bata
- Sa mga bata at
- Sa mga bata
Ngayon kung ang reason po ay dahil mahal mo at ‘di mo kayang hiwalayan, eh nasa inyo po talaga ‘yan kasi kahit naman sabihin kong hiwalayan mo na dahil wala ka ng tiwala, eh kung mahal mo pa? Kaya mo ba?
So it all really depends on you.
Mahirap maibalik ang tiwala lalo’t may buhay na patunay. May anak, natural magkikita sila palagi dahil may anak, what if masundan pa?
Kung kaya mong buhayin mag-isa ang anak mo, mas mabuti pang i-let go mo ang asawa mo para makapag-isip siya at ng malaman niyo rin pareho kung importante ba para sainyo ang pagsasama niyo.
“So, in life, make mistakes but never break trust. Because forgiving is easy, but forgetting and trusting again is sometimes impossible.”


-
COMMENTS














