Make Yourself A Priority
X

CHLOE'S INBOX

Make Yourself A Priority

January 10, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---MAKE-YOURSELF-YOUR-PRIORITY

    Hi DJ Chloe,

    Number one fan po ako ng 96.3. Always ako nakikinig kesa manood ng TV. Hehe. Okay, fast forward po. Meron po kasi ako karelsyon, 10 years going to 11 years. May anak po kami, three years old, but hindi po kami nagsasama. May anak siya, dalawang babae. Byudo na po siya, naguguluhan po ako bakit hanggang ngayon wala po nangyayari samin. Although byudo na siya at mga anak niya nasa abroad na, may trabaho. Hindi po alam ng dalawang anak niya na may anak siya sakin. Minsan naguguluhan na ‘ko dapat pa ba ako umaasa sa kanya sa mga sinasabi niya na mag-antay ako at dadating ang panahon na magkakasama kami. I’m 33 years old, 47 na siya. Sa’kin lang, DJ Chloe, ‘yung karapatan ng anak ko na makilala rin siya ng mga anak niya at ng magulang niya. Wala naman ako hiningi simula noon ng suporta na kahit ngayon wala siya binibigay. Although hindi siya nakapirma sa birth certificate ng anak ko, wala siya tata. Pero ano po ang dapat ko gawin? Please advice naman po.

    Tess

    Hi Tess!

    Pano mo natiis ‘yun ng mahabang panahaon? Na pangakuan ka lang ng pangakuan?

    Sure ka byudo? Baka may asawa, nasa ibang bansa.

    ‘Wag mong ipilit ang gusto mo, hayaan mong panahon ang magbigay sa’yo ng pagkakataon kung kikilalanin nila ang anak mo.

    Andami mo ng sinayang na panahon at oras sa byudong ito, okay lang mag-antay ka at sumunod ka sa gusto niyang mangyari pero ‘wag mong kalimutang bigyan ng panahon ang sarili mo at magdesisyon para sa sarili mo.

    Actually, kung wala naman siyang plano, ikaw na lang magplano for yourself and don’t include him. Just you and your kid.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.