Changed Behavior Is The Best Apology
X

CHLOE'S INBOX

Changed Behavior Is The Best Apology

January 17, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---CHANGED-BEHAVIOR-IS-THE-BEST-APOLOGY

    Hi, DJ Chloe.

    I’m using dummy account to hide my identity. Call me Ms. D. I’m a college student and I have a boyfriend. Isa’t kalahating taon na kami nag li-live-in. I’m five months preggy. My problem is, ang daddy at ate ko lang po ang nakakaalam. Pinapag-aral po ako ngayon ng kuya ko. Kaso tumigil na po ngayong 2nd sem kasi nahihirapan po ako. Ngayon po sinabi na ng ate ko sa kuya ko na preggy ako. Okay naman po, nanghihinayang lang siya sa mga ininvest niya sa’kin at na-disappoint siya sa’kin kasi ini-expect niya na makakatapos ako. Alam ko po na sobrang nanghihinayang siya. Nandito na po kasi to, tsaka ginusto na po namin to ng partner ko. Gusto ko lang po humingi ng advice kung paano ako hihingi ng tawad sa kuya ko. Salamat po.

     

    Hi Ms. D,

    Gusto man kitang pagalitan ng bongga, wala naman akong karapatan.

    Feel ko ang sentimyento ng kuya mo kasi nagpapa aral din ako ng mga anak ko, ‘yung isa post-grad studies at malalaglag din ako sa kinauupuan ko kung biglang sasabihin sa’kin mag-aasawa na siya….baka kalbuhin ko siya. ?

    Ayun nga, sa’yo na nanggaling, nanghihinayang siya sa ININVEST niya sa’yo, na hindi mo man lang binigyan ng HALAGA.

    Marami rin sigurong sinakripisyo ang kuya mo, bakasyon na hindi niya magawa kasi pinapag-aral ka niya. Luho na gusto niya rin sigurong bilhin na ‘di niya mabili dahil kailangan ng pangtuition mo.

    I can go on and on and on pero hindi mo pa rin ‘yan maiintindihan because you know what? You will learn things the HARD WAY.

    Magkakaanak ka na, mahiya ka naman kung iaasa niyo pa siya sa kuya mo, sana lang ang magiging ama ng anak mo eh responsable at kaya kayong buhaying mag-ina.

    Mag-iiba na ang buhay mo, sana pagtapusin ka pa ng kuya mo kasi mas kailangan mo siya ngayon, sana madiskarte ka kasi ngayong magkakaanak ka na, malalaman mo na hindi lang diploma ang kailangan mo, kailangan mo rin ng diskarte para mabuhay ang anak mo.

    I hope your child gives you the direction you need in your life.

    Paano ka hihingi ng tawad? Pinatawad ka na, ‘di ba? Okay lang naman daw, nanghihinayang lang siya sa ininvest niya sa’yo. ‘Wag mo na lang sayangin ‘yung investment niya sa’yo siguro at ayusin mo buhay mo sa abot ng makakaya mo. ‘Yan na lang pambawi mo sa kanya at syempre sabihin mo rin sa  kanya verbally na humihingi ka ng tawad sa pagbabalewala mo sa mga sakripisyo niya para sa’yo.

    Let me borrow the words of the great Vilma Santos in ANAK, I’ll just tweak it a bit.

     “Sana tuwing nakikipagdate ka sa boyfriend mo, habang ‘di ka pumapasok sa skwela at nakikipagdate ka sa kanya,  habang nilulustay mo ang perang pinapadala ko, sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera rito. Sana habang nakahiga ka diyan sa kutson mo, natutulog, maisip mo rin kung ilang taon akong natulog mag-isa nabang nangungulila ako sa yakap ng mga mahal ko. “

    Ang mahal ng tuition, guys. ‘Yan na lang isipin niyo.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.