CHLOE'S INBOX
People Change When Money Is Involved
January 30, 2018
-


Hello DJ Chloe,
This is a dummy account. First time ko lang na makapg send sa’yo ng ganito and this is about my friend, kung friend talagang matatawag. Mommy din siya. Mabilis pangyayari basta naging magkaibigan kami, so palibhasa madali akong magtiwala sa isang tao,akala ko naman gusto talaga ako–naging magbestfriends kami. Dati kasi hi, hello lang ako sa kanya tas panay hingi niya sa’kin payo about her mostly family issues. Nagkaroon din siya ng problema sa pera. So ganito nangyari, humiram siya sa’kin ng pera. Sa totoo lang, DJ Chloe, ilang beses na. Naisip ko itulong na lang sa kanya tutal maliit na amount naman. One time, nga sa’kin pa siya nanghingi ng 50php na load. Sabi niya babayaran, ewan ko, baka nalilimutan nya.
Ayoko namang maningil dahil danas ko na pag naningil ako pa masama. Ganon ako sa kaibigan, DJ, pag kailangan niya ano man ‘yun basta itutulong, itutulong kasi may anak din siya. Kaso itong huli, medyo malaki ‘yung hiniram niya. Pambayad sa school ng anak niya, so naawa naman ako. Ang tinignan ko na lang ‘yung anak niya baka mapaalis sa school. Kakaawa naman at may pinagsamahan naman kami ng mommy ng bata. Sabi niya ibabalik niya at nagsabi siya ng buwan. Nilinaw ko sa kanya na may paggagamitan ako non at hindi ko pinaalam sa mister ko ‘yun. Hanggang sa natapos ang November, wala pa din. Tapos December wala pa din pati chat niya dumadalang na din. Siya kasi unang nagcha-chat dati bago ko siya sagutin. Mas busy kasi ako sa kanya, online seller ako. Hanggang sa nai-stress ako dahil nga sa may paggagamitan ako ng perang hiniram niya eh, January na. Siningil ko sa chat kasi sa totoo lang nahihiya akong pumunta sa bahay nila. Sabi niya nakalimot daw siya, babayaran naman daw kaso nagamit sa bakasyon nila ang pera. Kumbaga ang dating, walang natira sa kanila. Eh ‘di lalo akong nai-stress kasi nga January na. Wala naman akong sinabing iba sa kanya, ang sabi ko okay. ‘Yun nga lang. Tapos nagreply siya na uutang siya sa ate niya, kunin ko na lang daw sa ate niya. Kahit ayoko ng ganong proseso, pumayag na ako. Kaso dumaan ang isang linggo wala namang sinasabi sa’kin ang ate niya. At sa nagdaang araw na y’un ni ha, ni ho walang chat mula sa friend kong ‘yun. Naisip ko baka nagtampo or sumama loob kaya chinat ko.
Ako na nagpakumbaba, DJ Chloe, sabi ko ‘wag na niyang bayaran. Tulong na lang ‘yun sa kanya kahit sa totoo lang hindi ako makatulog kung san ako kukuha ng pera. Kaso minasama pa yata niya, DJ. Sabi sa’kin may pera daw siya, nalimutan lang talaga niya at hindi siya mahirap na tao. Lalo akong na i-stress. Binayaran naman niya ‘yung perang hiniram niya at kinausap ko siya ng personal. Okay naman siyang kausap pero hindi siya nagsorry. Jusko, DJ, ako pa nagsorry sa kanya dahil naningil ako. Ayaw ko kasing masira friendship namin. Tapos after nga magkabayaran, hindi na niya ako china-chat. Kinakamusta ko, tipid na mga reply niya minsan seen pa nga. Tas nagpost sya sa Facebook about toxic friends na iiwanan niya ngayong 2018. Although wala namang names kaso pakiramdam ko ako ‘yung pinatatamaan niya. Hindi ‘yun mahilig magpost DJ eh kaya nanibago ako. Tas sabi niya dati invited kami sa birthday ng anak niya kaso nakita ko post nito lang na nagbirthday na anak niya kasama yung mga original best friends daw niya–katulad ng post niya. Ang daming gumugulo sa isip ko. Sisihin ko ba sarili ko na naningil ako? Na nagtiwala ako at nagpahiram ako? Hindi ba niya naisip na kaya pinahiram ko gusto siyang tulungan at natural tuparin niya pangako niya. Hindi naman ako mayaman para gawin niyang bangko. Maganda lang trabaho ng mister ko pero isyempre kinakapos din kaya nga pati online selling pinatulan ko eh. Please sana mapayuhan niyo ako dahil bigat na bigat ang kalooban ko, hindi ko alam kung sino sisishin kung ano gagawin? Ako pa masama. Or ano ba siya? Nahihiya lang ba siya sa’kin makipag-usap o makita ako dahil sa nangyari? Sana kausapin niya ako. Ako palagi umiintindi sa bruhang ‘yun. Salamat sa time mo medyo napahaba ‘to.
Haven
Hi Haven,
Well, dear, if you want to see how people really are, wait ‘till money is involved.
Malinaw naman na kitang-kita mo na ang true colors ng enship mo, siguro let it go. ‘Wag mo ng pang hinayangan pa ang “pagkakaibigan” niyo na nasukat lang sa pera.
You can always make friends with other people, hindi lang siya ang tao sa mundo.
Sabi mo nga ikaw lagi umiintindi, eh bakit nga ba? Ikaw na tumulong at nagpahiram ikaw pa ngayon ang stressed out sa kanya dahil ‘di ka pinapansin? ‘Di kaya ikaw na ang may diperensya?
‘Wag ipilit ang sarili sa taong ayaw sa’yo.
Eto oh, sabi ni Google :
“Loaning a friend money
The first rule of loaning money to friends: Don’t do it. The second: If you do, don’t loan what you can’t afford to lose. The third: The relationship will rarely, if ever, be the same.”
Gets mo, sis?


-
COMMENTS














