Happiness Comes When You Let Go
X

CHLOE'S INBOX

Happiness Comes When You Let Go

February 2, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---HAPPINESS-COMES-WHEN-YOU-LET-GO

    Hi DJ Chloe,

    Super avid fan po ako ng station niyo since high school until now. DJ Chloe, tago mo na lang ako sa name na Ms. 24. I am 40 years old, four (4) years separated, I have two (2) kids. Well, DJ Chloe, lumapit ako sa’yo, I need your advice. After my separation from my husband, nagkaroon ako ng manliligaw at naging kami. Boyfriend ko up to now. Well, DJ Chloe may asawa siya, mga anak pareho namin tinanggap ‘yung sitwasyong ng bawat isa sa amin. Inaalagaan at tinulungan ko siya sa mga kids. Napalapit at napamahal din sa akin ang mga kids niya dahil ‘yung asawa niya walang panahon sa mga kids. I accept it because I love him so much. Nagtagal ‘yung ganung setup ng almost four (4) years hanggang sa nagduda na si orig. Sumugod na sa mga work namin, nag-iskadalo at umabot na nagkaharap kami, nakapag-usap. Well, DJ Chloe, never kong hiniling sa boyfriend ko na hiwalayan niya ang asawa niya kahit masakit sabihin ‘yun, DJ Chloe, sinasabi ko pa rin ‘yun sa kanya kaya lalo niya ako minamahal. Pero ngayon, DJ Chloe, nagkausap na sila. Kami ng boyfriend ko cool treatment ginagawa niya sa akin. ‘Yun ang pakiramdam ko now. Last time na nagkausap kami I asked him if kami pa. Sabi niya oo, kami pa rin at wala naman daw nagbago. I don’t know, DJ Chloe. Basta ang alam ko mahal ko siya. Mabait siya at sobrang mapagmahal. Hirap ako maglet go sa kanya dahil puro positive ‘yung pinakita niya sa akin. Ganun din naman siya sa akin, DJ Chloe. Ayaw din niya ako binatawan. Basta lagi nya sinasabi sa akin, I’m still the one. It’s hard for me to let go, DJ Chloe. Up to now kami pa rin pero ‘di muna nagkikita, DJ Chloe, what should I do?

    Ms. 24

    Hi Ms. 24,

    Ba’t ‘di mo subukan na ikaw ang makipaghiwalay? Kasi you asked him if kayo pa and he said, oo walang nagbago. Pero cold ang treatment sa’yo, ‘di kaya nagiging polite na lang siya sa’yo? At inaantay niya na ikaw na mismo ang maglet go? Mahirap nga siguro talaga for you kasi minahal mo na pero ‘di ba mas stressful kung kakapit ka pa? Samantalang alam mo naman na may asawa? If you don’t want to let go and you want to keep the relationship, then waive all your rights to complain, hindi kasi ikaw ang asawa niya eh. Clearly, wala naman siyang plano na iwan ang asawa niya for you, kasi hanggang ngayon sila pa rin.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.