Be At Peace In Times Of Trouble
X

CHLOE'S INBOX

Be At Peace In Times Of Trouble

February 12, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---BE-AT-PEACE-IN-TIMES-OF-TROUBLE

    Hi DJ Chloe,

    Gandang araw! Second letter ko na ito, okay naman na ang lahat. Sinusunod ko ang payo mo. Kinausap ko husband ko about sa mga hipag ko na ‘wag niya akong pilitin na makipagkita sa kanila. Pero siguro gusto nila na maayos na kaya sila na ang pumunta sa akin at nakipag-usap. Salamat doon ha, DJ Chloe. Ito ngayon ang problema ko, may dalawa akong anak. Alam ko, napalaki ko sila at napag-aral ko ng maayos. Maliliit pa sila nakitaan ko na ng talion. Palagi akong umaakyat sa stage para magsabit ng medalya, nursery to college ‘yan—pareho sila. Ang bunso ko, UP Diliman, cum laude at ang panganay ko STI with flying colors din naman. Wala na akong mahihiling pa sa Diyos. Sa construction lang nagtatrabaho ang asawa ko, ginawa namin ang lahat para makatapos sila lalo na ang panganay. Ang bunso kasi pinag-apply ko para maging scholar kaya wala kaming binabayaran. Akala ko tutulungan kami ng panganay ko dahileight (8) years ang gap nila. Biglang nagsabing mag-aasawa na daw siya parang gumuho ang mundo ko.

    Pero wala akong magagawa, siya ang gumastos sa kasal niya dahil talagang hirap kami. Nagpalit pa siya ng religion, talagang ‘di ko gusto ang naging ugali niya. Ang asawa lang niya ang tingin niya na tama ang lahat ng sinasabi at ginagawa kahit ‘di na tama sa paningin ko. Minsan ‘di maganda ang pakikitungo sa akin pero okay lang ‘yun, ayoko ng gulo. Nakikisama pa din ako. Nag-iba ang ugali ng anak ko at masyado akong minamaliit dahil sumasamba daw ako sa “bato.” Sabi ko wala sa religion ‘yan, nasa tao. Tinanong ko siya, “Bakit, anak pinakain at pinalaki ka ba namin ni papa mo na galing sa masama?” Minsan nag-aalaga ako ng apo ko pero sa ngayon iniisip ko na ‘wag munang pumunta dahil my sinabi siyang ‘di ko kayang tanggapin. May sakit ako osteo arthritis. Dalawang tuhod talagang hirap na ako lumakad, ni minsan ‘di niya ako binigyan ng pamasahe papunta sa kanila pero okay lang para sa apo ko. Nagdadala pa ako ng pagkain para may pagkain kami minsan kasi wala akong pagkain. Dahil may trabaho din ang manugang ko. Tama ba, DJ Chloe na ‘di na ako pumunta doon dahil hanggang ngayon ‘di ko maisip na sa bibig ng anak ko maririnig ang salitang binitiwan niya. Kapag naaalala ko umiiyak ako at naisip ko na ding magpakamatay pero naisip ko ang bunso ko at asawa ko. Matino akong ina, wala akong bisyo, at ni minsan ‘di ako nasangkot sa ano pa mang gulo. Payuhan mo ako, anak, dahil alam ko isa ka ding ina. Salamat at lagi kang mag-iingat. God bless you.

    Hi Tita,

    Sadyang ‘di na nga po natin kayang hawakan pa ang isip ng mga anak natin kapag sila ay lumalaki na. Lalo na kapag nagsipag-asawa na. Malaki na po kasi ang impluwensya ng mga asawa. Kwento nga ng tito ko, noon daw pag may trouble, lima silang magkakapatid na lalaki, magkakasama sila susugod. Mula ng nagsipag-asawa na, wala na, wala ng sumusugod. ?

    Hindi ko kayo masisi na nag-expect kayo na tulungan ng anak niyo, kultura natin ‘yan eh. Pero kailangan na rin nating unti-unting tanggapin na nag-iiba na ang panahon. Tungkulin natin na itaguyod ang mga anak natin, pero nasa kanila na ‘yan kung magsusulit sila or tutulong pagdating ng araw. That is not guaranteed at all, lalo na kapag nagkapamilya na sila. Uunahin na nila ang mga anak din nila at asawa.

    Kaya sa mga magulang, it’s important to prepare for retirement, mahirap makitira sa manugang at umasa na lang. Titiisin mo lahat ng sasabihin niyan at anumang maririnig mo.

    Well tita, hindi mo rin naman obligasyon mag-alaga ng bata, ng apo mo. Ang dapat i-enjoy mo ang mga apo mo. Sila ang mag-alaga ng mga anak nila.

    If they want iwan nila sayo, tapos kunin na lang ulit, pero ‘wag ka na nilang obligahin na ikaw pa pumunta sa kanila kasi nga may nararamdaman ka na rin at medyo nagkakaedad na.

    ‘Wag mo na lang pansinin ang issue tungkol sa relihiyon, walang mananalo diyan sa inyo, hindi dapat pinagdedebatehan ‘yan, kailangan lang igalang mo ano man ang paniniwala ng iba, na iba sa paniniwala mo, ang importante iisa lang ang Diyos na sinasamba niyo. Kasi kung iba, malaking problema nga ‘yan, kung iba ang Diyos nilang mag-asawa.

    Chill lang, tita. Nagkakaedad na tayo. ‘Di na dapat pakastress. Enjoy life. :)

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.