CHLOE'S INBOX
You May Not Understand It But God Is In Control
February 15, 2018
-


“Kailangn kong mabuhay mag-isa,” ‘yan ang palagi kong reminder sa sarili ko.
Hi DJ Chloe,
I’m Julie and obviously using a dummy account to hide my identity. Nagkasakit ng malubha ang anak ko and sa ngayon wala akong mapagsabihan ng niloloob. Ang parents ko na hindi man lang ako natulungan kahit ‘wag na sa pera, sa pagpunta sana para macheck kung okay pa ba ako at ang apo nila. Nadanas ko sa ilang araw naadmit ang anak ko, na ako lang ang mag-isang napuyat at napagod at nastress ng sobra to the point na naglalagas ang buhok ko. Hindi ako makapagfocus, malilimutin na ako at masakit na ang katawan ko. Idagdag pa ang nangyari nu’ng naiinis sa’min ang nurse ng anak ko dahil sa maingay nitong iyak at makulit. Napagsabihan niya ako that night na spoiled daw ang anak ko at ito palagi ang nasusunod. I don’t know what to think dahil ang alam ko may nararamdaman ang anak ko at kailangan na pagbigyan ko siya sa ilang bagay while we were in that hospital. Napaiyak talaga ako noon. Pakiramdam ko napabayaan ako nang araw na ‘yun. Lahat sila hindi man lang naisip ang kalagayan ko. Secondly, ang mga in-laws ko. 32 na ako pero pag nasasabihan ako nun pakiramdam ko wala akong kwentang ina at pabaya ako lalo pag nagkakasakit ang apo nila. Really hard to get along with kasi sobrang maselan sila. Napipilitang pakinggan ang masasakit na salita dahil ano bang laban ko? Wala. Kung sa experience alam kong magaling sila sa lahat ng bagay but hindi ako nakikipagkompetensya. Third, ang hubby ko. Padalos-dalos magsalita at magdesisyon. Na ang ending, ako din ang naaapektuhan. Ako kasi lahat ang sumasalo ng masamang resulta ng mali niyang desisyon. Lahat sila, oo, may mabuting ugali pero ewan ko, hindi ko alam ang iisipin. Mahal ko ang anak ko at hindi ako nagpapabaya sa anak ko—’yun lang ang alam ko. At mga kaibigan na akala ko kaibigan ko talaga, user pala. Mas naniwala sa tsismis kaysa sa’kin. Inayawan at iniwasan na ako kahit ‘di man lang inalam ang totoo. And lastly, si God. Hindi ko Siya kinukwestyon, hindi ako naghihinakit. Dahil nahihirapan na akong maniwala sa Kanya. Minsan naiisip ko baka kaya Niya ako pinababayaan dahil sa mga nagawa kong pagkakamali noon. Ang pinakahuli sa lahat ay ang sarili ko. Sana hindi na lang ako nabuhay, hindi na lang ako pinanganak. In my 32 years of existence, 99% failure, 1% happiness na hindi ko na matandaan kung kelan ako naging totoong masaya. Gusto ko nang magpakamatay.
Hi Julie,
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang magsulat ng sasabihin ko sa’yo. Ayoko kasing makapagsalita ng ikakabigat pa ng kalooban mo. Alam mo Julie, hindi lang naman ikaw ang nakakaranas ng paghihirap, lahat tayo sinusubok, lahat tayo may kanya-kanyang pinapasan. But you know, the Bible says that God’s strength is made perfect in our weakness. Ang pagsubok isa lang ibig sabihin niyan, it is teaching you and telling you to depend on God. Gaano ba kalaki at kalakas ang paniniwala mo sa Kanya? How often do you talk to Him? ‘Wag mong sisihin ang sarili mo, the mere fact na nandyan ka para sa anak mo HINDI KA NAGKUKULANG. Maraming ina na pinipiling pabayaan na lang ang anak nila, pero ikaw hindi. Julie, hindi solusyon ang magpakamatay, pagnagpakamatay ka, paano na ang anak mo? Maaring malubha ang sakit niya pero maaari naman siguro siyang gumaling? Sa parents mo naman, tinanong mo ba sila kung pwede ka nilang tulungan sa pagbabantay? Baka naman hindi at nag-aassume ka na dapat ka nilang puntahan. Walang permanente sa mundo, lahat lumilipas lang. Tibayan mo ang loob mo. God sometimes allow these things to happen so that we depend on Him. When there’s nothing much that you can do, give it all to Him and believe that He already has His hand on your situation.


-
COMMENTS














