If You Love Him, Don't Complain
X

CHLOE'S INBOX

If You Love Him, Don’t Complain

February 26, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---IF-YOU-LOVE-HIM-THEN-DON'T-COMPLAIN

    Hello DJ Chloe,

    I love your station. Hindi nabubuo araw ko kapag ‘di ako nakatutok sa station niyo. Just call me Ms. Andeng, 40 years of age and have kids already but separated na. After ng separation ko may mga nanligaw sa akin pero ang binigyan pansin ko itong guy na ito. 2012, DJ Chloe nagpasaring na sa akin itong guy na ito pero hindi ko pinansin until the time na nireto na sa akin at naging textmate muna kami. Everyday magkatext kami. Matagal na kami magkakilala pero that year ko lang siya napansin. So ‘yun na nga, to make it short sinagot ko pero may asawa siya at mga anak. Nu’ng magkakilala kami hindi siya umuuwi sa asawa niya dahil naiinis sa nga siya sa asawa niya dahil pinababayaan ang mga anak. More on ambition ‘yung asawa niya. So ‘yun nga naging kami. Sobrang saya nu’ng unang taon naming, DJ Chloe, one time sinabihan ko siyang uwian niya asawa niya so sinunod naman niya ako until naging okay sila at bigla niya ako binitawan. S’yempre nasaktan ako. Pinilit kong makamove-on after three (3) months nagparamdam ulit siya. So eto naman ako tinanggap ulit pero hindi gaya nu’ng unang taon namin na laging lumalabas, nabawasan ‘yung time niya sa akin. Naulit naman ang pagbitaw sa akin, bumalik naman tas ganun ulit bitaw, balik, bitaw, balik ang ginawa niya sa akin, DJ Chloe. Dahil alam niya na mahal na mahal ko siya, until one time nagsabi siya sa akin na help ko ‘yung mga kids niya. Tinulungan ko siya, DJ Chloe dahil nga mahal ko siya eh. Walang reklamo kahit wala siyang time sa akin. Okay lang dahil gusto ko makita niya ‘yung effort na ginagawa ko. Minahal ko ang mga kids niya. Sobrang inalagaan na parang tunay na anak. Ganun din ‘yung mga kids niya, napalapit na rin ako sa kanila. To make it short again, ako nagbigay ng pagkukulang ng ina nila pero kahit ganun naging magkaibigan kami ng asawa niya. Ang nakakainis lang never man lang niya kamustahin ang mag-anak niya if okay sila lalo sa pag-aaral. Sanay kasi siya na ibang tao ang nag-aalaga sa mga anak niya. Hanggang sa nagkaroon ng matinding problema. Pinagselosan na ako dahil lumalayo na ang loob ng mga kids sa kanya na dati nang malayo ang loob sa kanya. Dapat nga, DJ Chloe, magpakasaya ako that time kasi not in good terms sila pero hindi ko magawa. Hindi naman ako masamang tao eh. Sabihin na mali ‘yung pinasukan kong relasyon pero never niya narinig sa akin na hiwalayan na niya asawa niya. Siya ang laging nagsasabi na gusto na niya humiwalay. Ako, nakikinig lang. Tutal namn daw nandito naman na ako sa kanya. Buwan inabot ‘yung matinding problema hanggang sa ako na mismo ang nagsabi sa kanya na kausapin na niya at ‘yun nga nagkaayos naman sila.

    I told him, “Ayos naman kayo, so bibitawan mo na naman ako.” Sabi niya hindi, so naniwala ako sa kanya. Madalang na ‘yung text or tawag niya. Tatawag lang siya kapag may kailangan pero ni minsan ‘di man lang niya ako tanungin if okay ako. Mahigit isang buwan na kami ‘di nagkikita puro text or minsan tawag lang. Kapag ako nagsasabi sa kanya na magkita kami laging walang sagot. Nandyan ‘yung umabot na magsuicide ako pero hindi niya ako pinuntahan. Ang huling sabi niya sa akin, “Walang bibitaw hanggang sa pagtanda nmin kami pa rin daw.” DJ Chloe, ako ‘yung kauna-unahan niyang naging girlfriend na may asawa na siya.

    So ‘yun nga naging okay naman sila. Dumating ‘yung time na kapag siya ang may problema, DJ Chloe, lagi akong nandyan sa kanya. Never ako nawala sa likod niya pero ang napansin ko lang kapag ako na ang nagsasabi ng problema, hindi ko maramdaman na nakaalalay sa akin. Feeling ko tuloy gusto niya siya lang ang aalalayan at ganun nga ang nangyari sa amin. Puro siya take pero never siyang naggive sa aming dalawa. Pinilit ko na lang inunawa pero ganun pa man mahal ko pa rin siya. Wala ako masabi sa kanya, DJ Chloe, napakabait niya at para sa akin ideal husband at loving father. Sobrang mahal ko siya, DJ Chloe. At hindi ko alam pano maglet go. Ang hirap-hirap tanggapin kasi almost five (5) years kami. Tinanggap ko na lang kung ano bigay niya sa akin na time. Yes, DJ Chloe, tanga na kung tanga pero mahal ko siya. Ako ‘yung tipong kabit na hindi materialistic, never ako nagpabili sa kanya. Wala ako hiningi sa knya kung hindi time lang niya, magkasama lang kami sobrang masaya na ako. Ngayon nag-iba naman siya. Pinipilit ko naman maglet go kahit mahirap. Pero panu ko gagawin ‘yun kung every time na uumpisahan kong magmove on eh magpaparamdam ulit siya. Tas kapag nahulog naman ako sa mga matatamis niyang salita magbabago naman siya. Alam kong nakakapagod na ganun lagi pero hindi ko magawa na umayaw sa knya dahil mahal ko nga siya. Mas minahal ko siya kesa sa dati kong asawa. Please help me, DJ Chloe, kung pano maka move on. Thank you so much and God bless.

    Ms. Andeng

    Dear Ms. Andeng,

    Sa haba po, Ms. Andeng, ng sulat mo, parang ang naintindihan ko lang, ginawa ka niyang taga-alaga ng mga anak niya, spare tire.

    Hindi ka pa po ba pagod? Mag-alaga ng ‘di mo anak? Magmahal ng ‘di mo naman asawa, na ‘di naman iniiwan ang asawa niya para sa’yo?

    ‘Yung mga anak mo po, hindi pa po ba sapat para maging busy ka sa kanila?

    I understand naghahanap ka rin ng pagmamahal kasi iba naman ang mga anak natin pero itong meron ka ngayon halata naman po na kayo lang ang nagmamahal.

    Ikaw lang ang makakapagpalaya sa sarili mo, walang iba. Kung ang dahilan mo dahil mahal mo siya then don’t complain.

    It only takes one decision to change your life.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.