CHLOE'S INBOX
A Daughter Will Always Be A Daughter
March 2, 2018
-


Hello DJ Chloe,
Gusto ko lang po humingi ng payo ulit sa inyo. Ilang beses na din po ako humingi ng advice sa inyo. This time hindi po sa husband ko ‘yung hihingi ko ng payo. Sinunod ko po payo niyo sa’kin at nagiging okay na po ulit kami. This time po problema ko is about my mother’s side. Kasi po naoperahan mother ko, bilang anak po niya gusto ko siyang alagaan kahit may anak na ‘ko. Pero mukhang pinagkakait sa’kin ‘yun ng mga kapatid at pamangkin niya. Pwede naman po siya magpagaling dito sa bahay niya kasi po may nag-aalaga naman po sa kanya. Kumuha po kami kasambahay. Pwede naman po naming pagtulungan pag-aalaga sa mother ko. Kaya lang po dun po siya sa tita ko, na kapatid niya nagpapagaling. Kakauwi niya po galing hospital sinundo siya dito kinabukasan at dinala na sa tita ko. Ngayon po na nandun siya dami po niyang nararamdaman na dati nu’ng bagong uwi siya dito maayos naman siya. DJ Chloe, how can I convince my mother’s side na iuwi na lang dito mother ko at dito na siya magpagaling? Sobrang worried ako sa mom ko dahil hindi ko siya kasama.
Worried Daughter
Hello!
Did you try talking to her? Why not visit her and talk to her and offer sincerely na doon na siya sa’yo?
And also talk to your tita, ikaw ang anak mas may karapatan kang alagaan ang nanay mo. If all else fail, then just visit her every now and then to check on her. That way maipapakita mo ‘yung concern and sincerity mo sa kanya and also keep in touch with your tita, ask her daily how she’s doing. Maybe your mom has her own reasons bakit dun siya nagpapagaling sa kapatid niya.


-
COMMENTS














