CHLOE'S INBOX
All Out For Your Child
March 5, 2018
-


Good day DJ Chloe,
I’m a 3rd year working-student and a single mom. Day shift ang sched ko sa work at afternoon naman sa school. Madalas ginagabi ako tapos pahinga at pasok ulit. It started last 2017 kasi pinush ko na tapusin ang studies ko na ini-stop ko last 2012 kasi po nabuntis ako. Today my five (5) year old daughter told me kung pwede bang magwork na lang daw ako para magkasama daw kami palagi at maasikaso ko siya. I came to realize na ‘yung pag-abot ko sa pangarap ko compromises her. Inisiip ko na nagiging selfish ako all this time kasi ‘yung dreams ko na lang iniintindi ko hindi siya. Na kung pwede lang sana magschool na lang ako, gusting-gusto ko po talagang makatapos, DJ Chloe. Pero mahirap din pong mawalan ng work. Please enlighten me kasi naguguluhan na po ako. By the way, po I’m working as an encoder na maayos naman po ang income at good standing din po ako school. Salamat and more power sa show!
God bless
Che
Dear Che,
Bakit mo tinatapos ang pag-aaral mo? Natural na may pangarap ka, pero syempre ang lahat ng ito para sa anak mo, ‘di ba? Eto ang problema ng lahat ng single mother. Kalaban natin lahat—oras.
But no excuse for you kasi kung tutuusin magkasama pa rin kayo, nagkikita kayo at the end of the day. Imagine those who have to go abroad or leave their child sa province para makipagsapalaran dito sa Maynila. Isama mo na ako dun.
I think you just need to be better with time management, namimiss ka ng anak mo, and kids that age, sobrang clingy sa nanay ‘yan. Lalo na you’re the only one she’s got, right?
You don’t need to quit job, mas nga-nga kayo ‘pag wala kang work and as early as now kailangan mong masanay na ikaw ang provider. I am, actually, proud of you. Kasi kinakaya mo, ang iba aasa na lang sa magulang. But you, you are trying your best. So don’t quit your job. Just go on with what you’re doing but make sure you also give her not only quality time, but quantity also matters.
Time will come kahit gusto mong makipagjamming sa kanya, hindi ka na niya masyadong hahanapin. So, for now, be good with your time management skills and carry on! You’re a good mom. Don’t forget that.


-
COMMENTS














