CHLOE'S INBOX
You Wanted This
March 7, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Have a nice day po.
I just wanted to share something and para maadvice niyo po ako. Hindi ko po alam kung paano ko uumpisahan ang story ko pero habang ginagawa ko ang story namin, tumutulo ang luha ko.
I’m Yann, 27 years old, working as a consultant sa isang BPO company. When I was 21 years old may naging boyfriend ako, first love to be exact. Naging okay naman kami on both sides except sa mama niya. Nu’ng time na ‘yun kasi DJ Chloe, one-month pa lang ako nakakagraduate ng college. Naghahanap pa ako ng trabaho nu’ng panahon na ‘yun. Ayaw sa’kin ng mama niya kasi wala daw akong trabaho. Paano na daw kami? Alangan naman daw na ‘yung anak lang niya ang magpapakahirap.
After nun, DJ Chloe, pumunta ako ng Manila para dito magtrabaho. Nagsikap ako para sa pamilya ko at para sa’min dalawa habang ganon din siya. Nagpursige po ako para may mapatunayan ako sa kanila na kaya ko. Suportado niya ako, DJ Chloe. Nasa usapan namin noon na March 2018 magpapakasal kami, kaya pag-iipunan naming dalawa. Nong una, okay pa communication namin. Bihira na din kami magkita. Hanggang sa ‘yung minsanan na ‘yun, naging wala na. Napabayaanan ko ang relasyong naming dalawa, napabayaanan ko siya puro trabaho lang ang inatupag ko, DJ Chloe. Nakalimutan ko na siya. No communication at all.After four (4) years, binalikan ko relasyon naming dalawa. Pero nu’ng time na aayusin ko na lahat, wala na siya. Nawala na ang lahat. Prenup picture na ang nakikita ko sa mga Facebook posts niya. Nagdecide na akong lumayo ng tuluyan kahit alam ko sa sarili ko na siya pa din, siya lang ang taong manahal at mamahalin ko.
Nagkaroon ako ng next relationship, DJ Chloe, pero hindi tumagal. Nakipagbreak din ako kasi hindi ko kayang magmahal ng buo.
Time passed by, nagkaroon na ako ng magandang trabaho, well hindi ako ganon kasuccessful pero naging okay naman lahat. Hindi na ulit ako pumasok sa relationship.
It is March 2018 now, paggising ko may message request ako sa Faceboook, pagbukas ko, siya pala. Message galing sa kanya.
Sabi niya “Ikakasal na sana tayo ngayon, no? Ikaw kasi nawala ka, naghintay ako.” Nagkaroon kami ng chance mag-usap, DJ Chloe, kahit sa chat lang. Sabi niya hindi daw prenup ang nakita ko, two (2) years pa daw siyang naghintay na akala nya babalik pa ako. Sana daw kinausap ko siya, sana daw sinubukan ko ulit ayusin ang lahat. Nakakapanghina, DJ Chloe, halos maghapon akong iyak ng iyak kasi alam kong mali ako. Ako ‘yung may kasalanan. Humingi sya ng sorry, DJ Chloe. Aaminin ko wala naman nagbago sa pagmamahal ko sa kanya. Na kaya failed ‘yung last relationship ko kasi syia pa din, DJ Chloe. As of now, nandito pa din sa puso ko ang regret. Akala ko ng mga panahong ‘yun, hindi nya ako minahal, pero I was wrong. Salamat, DJ Chloe, kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. Naging buo na ulit ako. Tama nga pala, it takes time. Hanggang dito na lang po, DJ Chloe. Marami ping salamat.
Sincerely yours,
Yann
PS: Hangga’t mahal mo ‘yung tao at alam mong mahal ka din niya, ‘wag mong sayangin ang pagkakataon. Kasama ng pagmamahal ang sakit at pasubok pero mas masakit at mahirap kapag puno ng regrets. Masasabi mo na lang na SANA GANITO, SANA GANON GINAWA KO.
Dear Yann,
Well, ‘di pa naman tapos ang laban eh. And I always believe things happen for a reason. We may not know it yet but in time, we will know why things happened the way they did.
For now, cry if you need to. Regret things you didn’t do. But never let it get the better of you. As long as your alive, life can always surprise you with a new hello.


-
COMMENTS














