If It's Meant To Be It Will Be
X

CHLOE'S INBOX

If It’s Meant To Be It Will Be

March 13, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---IF-IT'S-MEANT-TO-BE-IT-WILL-BE

    Hello DJ Chloe,

    Tawagin niyo na lang po ako sa pangalang “Karen”, hindi totoong pangalan. Hindi ko po alam kung sadyang mapaglaro ang tadhana talaga or hindi kami meant to be. May kapit-bahay po kami na 3 (three) years ang tanda sa akin. Lagi kaming magkalaro nu’ng mga bata pa kami. Nagsimula po siyang manligaw nu’ng 18 years old ako. Pero sa kasamaang palad tumutol ang lahat kasi mahirap lang daw sila at hindi niya ako kayang buhayin. Tumutol pati kamag-anak ko at magulang ko. Hindi ko siya maipagtanggol noon kasi nag-aaral pa lang ako. Wala pa akong maipagmamalaki. Hanggang sa nawalan kami ng communication. Naging nurse ako at nag-abroad sa Saudi for seven (7) years. Nakapag-asawa rin naman ako ng isang pulis. Pero paminsan-minsan ay sumasaglit sa isip ko at puso ko. Nagpakasal ako sa isang pulis dahil ‘yun ang akala ko na matatanggap ng family ko dahil ayaw nga nila sa true love ko just for security purposes at para na rin magka-anak ako dahil tumatanda ako. Pero minsan isang araw naisip ko i-search siya sa Facebook at i-add. Nagkaron ulit kami ng communication at nagkita sa SOGO sa dulo ng MRT. Bumalik ang dati kong pagmamahal sa kanya. Ngayon ko napatunayan na mahal ko pa rin siya. May anak na po siyang dalawa pero sabi niya pinikot lang daw po siya at hindi niya mahal ang asawa niya. Handa daw siyang makipaghiwalay sa asawa niya para makasama ako. Gusto ko po sana dahil nakausap ko na rin ang asawa ko at tanggap na rin niya na hindi ako masaya sa kanya. Tama po ba ang desisyon ko? Kasi noon pa ay siya na talaga ang mahal ko.

    Hi Karen,

    Ba’t di mo siya hinanap nu’ng nsa abroad ka? Pinagtanong-tanong sa mga kaibigan mo dito sa Pinas o kaya pag-uwi mo naglaunch ka ng massive search sa kanya para hindi ka napunta sa pulis, ‘di ba? Sabi niya hihiwalayan niya asawa niya para sa’yo? Magiging masaya kaya kayo nu’n? Papayag kaya asawa niya na iwanan naman siya? Eh kung ipaglaban siya? Maybe you love him that much but wrong timing eh. Eh ikaw, kayo? Matanda na kayo para hindi pa malaman ano ang tama sa mali. How about the kids? How do you explain this to them?

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.