CHLOE'S INBOX
You Have To Unplug Sometimes
March 19, 2018
-


Hi, DJ Chloe!
Gusto ko lang po i-share ‘yung nararamdaman ko, sorry po sa storbo. :(
Sakit sakit na naman ng puso ko. Haaaay… hanggang kelan ba ‘to? Bakit nga ba kasi palagi na lang akong talo? Bakit nga ba kasi ‘yung mga napipili kong mahalin eh ‘yung mga taong ‘di naman ako pahahalagahan? Bakit nga ba kasi ‘yung mga napipili kong mahalin eh tine-take for granted lang ako? Bakit nga ba kasi na kahit naman sa una pa lang alam ko ng sasaktan ako pero naggo-go pa din ako? Sobra-sobra naman ‘yung katangahan na nasalo ko nu’ng nagpasabog ng katangahan, sinalo ko nga talaga lahat. Tapos eto, eto na naman tayo sa pakiramdam na ganto. ‘Yung bigla na lang kayo hindi nag mag-uusap. ‘Yung taong nakasanayan mo na naman na ka-chat sa araw-araw, ngayon, hanggang tingin ka na lang sa profile niya. ‘Yung dating tao na chinat ka, kinuklit ka, kinuha ‘yung loob mo. Tapos s’yempre ikaw mahina lang at dahil tanga nga at umaasa na “baka naman magwork” sige pauto. Tapos ngayon, ganun-ganun na lang. Ganun-ganun na lang kung tratuhin ka para kang hindi girlfriend, ‘yung dating akala mo kayang ibigay lahat sa’yo…ngayon, wow! After all, kayang-kaya kang dedmahin! Eh wala eh! Pauto ka eh! Sarap nun eh! Hayst… sobrang nakakapagod. Tipong paulit-ulit ka na lang ba na aasa na baka siya na. But in the end… toinks! Wala ka lang pala, ‘di ka pag-eeffortan. ‘Di ka susuyiin. Wala, as in wala. Hayy….mapapa P*I* ka na lang talaga.
H
Hi, H!!
Alam ko ‘yan…’yung parang “pina-ibig pero hindi inibi”?
Well, siguro kailangan mo munang magpahinga? What you think?
Kasi paulit-ulit, ‘di ba? Hindi ba kaya, may mali sa choices mo?
‘Yun ‘yon. Make a different choice and you’ll get something different next time. Baka napipili mo mga pafall lang. Tsaka bakit hanggang chat lang? Wala na bang personal na usapan ngayon.
Sometimes what happens when you’re always accessible eh hanggang dun na lang din ang effort. Hanggang chat.
Kaya para magkaron ng pahinga ang pagod mo ng puso, stop ka muna kaya sa pag-ibig? Ibigin mo muna sarili mo this time? What do you think?


-
COMMENTS














