CHLOE'S INBOX
Real Relationship Fights It All With Love
April 17, 2018
-


Hi DJ,
Gusto ko po sana magshare ng kaunting kwento ng aking buhay. Itago niyo na lang po ako sa name na “Mae.” May asawa po ako, almost four (4) years na po kami nagsasama. Napakarami na po naming mga pinagdaanan. At marami na rin po ako tiniis sa pagsasama namin. Mahal ko naman po siya kung sa pagmamahal lang. Kahit po napakahirap pakisamahan ng ugali niya. Mabait po siya pero marami po kaming mga bagay na hindi napapagkasunduan. Katulad po ng pinansyal. Hindi niya po ako sinusulitan sa lahat ng kita niya. Siya na daw po mag ba-budget sa mga gastusin sa bahay. Okay naman po kaso hindi po ako makabili ng gusto ko. Kapag po humihingi ako sa kanya palagi niya po sinasabi na, “wala ako pera.” Naiintindihan ko naman po siya. Pero ang hindi ko po maintindihan kung bakit pa po siya ang kailangan magbudget?
Anonymous Misis
Hi ma’am!
Bakit ‘di niyo po pag-usapan at itanong po sa kanya kung bakit siya ang dapat magbudget?
Some things, dispute, misunderstanding can be settled when you sit down and talk about it.
May mga lalaking nagsusulit, merong hindi, kung malaki na ang anak mo, bakit ‘di mo subukan maghanap din ng trabaho para magkatulungan kayo? At para mabili mo rin ang gusto mo nang hindi ka nang hihingi sa kanya.
Baka naman kasi sakto lang din ang kinikita niya. Enough lang for all your needs at hindi na kaya ang wants. Consider yourself lucky you have a husband who works and provides.
Ang hindi pagkaka intindihan ay normal. You cannot expect perfection in marriage. It is actually foolish to expect perfection in marriage.


-
COMMENTS














