CHLOE'S INBOX
You Gotta Trust For You To Know
April 19, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Hihingi po ako sa’yo ng advice about sa relationship ko with my boyfriend. Hindi naman about sa love pero sa willingness niyang mag-aral. He is 24, high school grad only and ngayong may possibility na mawawalan na ulit siya ng pagkakakitaan ay nasabi niya sa akin na mag-eenroll na lang daw siya. I am 23 and working as an office girl. Okay naman ang sahod ko, I am a single mom, and itong si boyfriend ay hindi siya ang ama pero ramdam ko ang buong pagtanggap niya sa akin. I am thinking, what if ako ang magtuition sa kanya para mairaos niya ang college at sa gayon ay magkaroon kami ng magandang future? Katangahan po ba iyon? Kasi, palagi na lang siyang suma-sideline sa mga kamag-anak niya. Gusto namin dalawa na makapagtrabaho na siya ng hindi contractual, hindi ‘yung temporary lang, hindi ‘yung abroad (kasi nagtesda siya and ‘yung natapos niya ay work na malaki ang kita sa abroad pero contractual lang din). Sa province niya gusto mag-enroll. At least, dun may matitirahan siya kasama niya family niya. Mairaraos niya ‘yung pang araw-araw na pagkain at hindi magbabayad ng renta. Kasi inisip ko nu’ng una na, what if dito siya sa Maynila then rerenta kami eh di mas mabigat sa budget. Please hide my identity. I hope you can help me po. Marami pa po talaga akong gustong ihingi ng advice sa’yo but for now ito na muna. Thank you, DJ. God bless.
Sherry
Hi Sherry,
Kaya mo ba? Hindi mo ba mararamdaman ang gastos? Hindi ba ito makikipag-agawan sa gastusin mo para sa anak mo since single mother ka?
Napakaganda ng hangarin mo para sa inyong dalawa pero sana siya rin, I mean you are both looking at the same direction. Hindi ko naman masasabi na katangahan ‘yan, kasi nga you’re doing it for love eh. Ako isa lang ang pwede kong sabihin sa’yo. If you want to know if you can trust a person, then try trusting them.
Dun mo malalaman eh, pag-aaralin mo na LDR pa? Hahaha! May alam ako, pinangakuan ng jowa kasi ganyan din ang plano sa buhay, ‘di pa tapos ang first sem may ibang jowa na ‘yung lalaki. Hahahaha! ‘Di naman kita tinatakot pero dapat lang maging handa ka. Buti na lang hindi niya pinag-aral. Imagine kung pinag-aral niya pa? What I’m saying is if you’re going to do it, make sure lang na hindi madedehado ang anak mo. Baka mamaya, nauubusan ka ng budget at nagsa-suffer anak mo, masuportahan mo lang si boyfriend. Pwede din naman sigurong tulungan kayo, magworking-student siya, ‘di ba?
Hope for the best na lang, neng.


-
COMMENTS














