When Things Are Not Meant To Be
X

CHLOE'S INBOX

When Things Are Not Meant To Be

April 22, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WHEN-THINGS-ARE-NOT-MEANT-TO-BE

    Hi DJ Chloe,

    Matagal mo na po akong listener and alam kong isa ka po sa napakagaling mag advice DJ. Have a nice day po. I’m Mika, 30 years old. May naging ex-boyfriend po ako nine (9) years ago, DJ Chloe. First love namin ang isa’t isa and nu’ng mga panahong ‘yun legal kami on both sides. Napalayo po ako sa kanya kasi kailangan ko munang mag-aral. Bihira na lang kami nakakapagusap, DJ. Nu’ng mga panahong ‘yun kasi mahirap ang communication. Wala pa akong telepono ng mga panahong ‘yun. Habang lumilipas ang panahon, DJ Chloe, nawala na ang focus namin pareho sa relationship namin. Habang siya ay busy sa trabaho, ako naman ay tinatapos ang college studies ko. Those times kasi parang puppy love ‘yung nararamdaman ko, parang easy-go-lucky, DJ Chloe, though alam kong mahal na mahal ko siya. Sabi ko kasi sa sarili ko aayusin ko na lang lahat kapag nakapagtapos na ako, kasi never pa naman ako nasaktan ng panahong ‘yun, DJ Chloe. Ang nasa isip ko lang eh basta okay kami, na hindi naman siya maghahanap ng iba. ‘Yun kasi ang pagkakaintindi ko about love, DJ Chloe, pero hindi ko sinabi sa kanya ‘yun. Lumipas pa ang mga taon, nakagraduate na ako ng college and after ‘yung date ng graduation ko, ‘yun din ‘yung date ng kasal nila. Aaminin ko nasaktan ako, DJ Chloe, pero life must go on kasi sa haba ng panahon parang naihanda ko na din ang sarili ko sa kung ano man ang mangyayari. And after three (3) years, nagkaroon kami ng regular communication though alam kong married siya. Never naman kami nagbreak, DJ eh, pero I know the time na kinasal siya alam kong tapos na lahat sa’min. Pero bakit ganun, DJ? Parang bumalik lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Based sa lahat ng efforts niya, alam kong mahal niya ako, DJ Chloe. Masama na akong tao, husgahan man ako ng kahit na sino, DJ, pero deep inside of me alam kong mali ‘to. Alam kong dapat ng itigil ‘to pero wala akong lakas ng loob, DJ Chloe. Pano ko ba gagawin, DJ? Ayaw niya akong bitawan. Bigyan niyo naman po ako ng advice. Nahihirapan na po ako.

    Nagpapasalamat,

    Mika

     

    Hi Mika,

    Ayaw ka niyang bitawan? Oh eh, bakit hindi siya ang bitawan mo? Nagawa mo ngang hindi siya ang priority mo kaya ka nakapagtapos ng pag-aaral eh, what’s wrong with doing it again for the second time? Nu’ng una, ang reason, inuna mo pag-aaral, tama ‘yun. This time, para ‘di ka maging kabit at ‘di masira ang buhay mo, ‘di ba tama rin ‘yun? Alam mo kung kayo talaga, dapat nagkatuluyan kayo. You may have pagkukulang kasi nga naging kampante ka pero mabuti naman kinalabasan. Nakapagtapos ka, ‘di ba? Ngayon, gamitin mo pinag-aralan mo para gumawa ng tama. At alam mo ang tama. Ke nagbreak kayo o hindi, it doesn’t matter. May mga bagay na hindi na p’wedeng ipilit pa. Ayaw niyang bumitaw, puwes ikaw ang bumitaw.

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.