CHLOE'S INBOX
If Your Man Loves You…
April 24, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Avid listener mo po ako and reader in Chloe’s Inbox.
I really like your straight to the point advices. I’m only using dummy account for security reason. I really need your advice. ‘Di pa ‘ko nagsabi sa friends or family ko ng love/family problem ko kasi baka maging complicated lang pag na involve pa sila. Just call me A. My problem is my husband (‘di kami kasal). Six (6) years na kaming nagsasama. May isa kaming anak, five (5) years old. Complicated naging simula ng relasyon namin. I got pregnant habang graduating sa kolehiyo. My husband has a two (2) year-old son back then from his previous relationship. Una, ‘yung bisyo ng asawa ko – Dota, inom, barkada. For the past five (5) years ‘yan madalas namin pinag-aawayan. Eventually, nabawasan nu’ng umalis kami sa puder ng parents niya. From 3x-4x a week naging occasional ang pag-iinom. I can say nagbago talaga siya. But I admit sobrang higpit ko, kahit occasional na lang, madalas nagagalit pa din ako. Secondly, being jobless. Nu’ng nag-one (1) year-old anak namin nagresign siya sa work niya (regular na siya dun) para sana i-fulfill ang kolehiyo. High school grad siya. Unfortunately, things didn’t work out well kaya nagvocational course na lang siya. From 2014 to date, wala na siya naging maayos na work. Ilang beses ko na siya sinabihang magtrabaho pero ang daming alibi. Nagkaron siya ng work sa small business from July-November 2017. Nabankrupt ‘yung may ari kaya nagsara din. Since kumuha na ‘ko ng sarili naming bahay, nabibigatan na ‘ko sa expenses. Naiinis ako kasi since November, ‘pag pumapasok ako sa trabaho, siya naiiwan sa dalawang bata. Ginagawa niya, iiwan ‘yung dalawang bata sa bahay ng nanay niya tapos magco-computer na. Nag-aapply daw siya online, pero ewan, parang hindi pursigido. What do you think, DJ Chloe, dapat ko pabang ipagpatuloy relasyon namin or hindi na? My mind says stop na pero tanga talaga ng puso ko. If this will not be posted kahit advice niyo na lang po. Thank you and God bless on your show.
Ms. A
Hi Ms. A,
I cannot tell you to stop, I can’t also tell you to stay. Kawalan ba siya sa buhay mo? It’s a good thing hindi ka pa kasal sa kanya, if you know what I mean. You know, at the end of the day, you alone will decide if you will hold on and expect for him to change or just leave him to his mom and just be with your child at buhayin mag-isa ang anak mo. Talk to him and give him an ultimatum baka sakaling magbago, maghanap na ng trabaho at makipagtulungan sa’yo. Pag ‘di pa nagbago, baka makatulong sa kanya na mawala muna kayong mag-ina sa buhay niya.


-
COMMENTS














