If You Feel Any Doubt Then Don't Do It
X

CHLOE'S INBOX

If You Feel Any Doubt Then Don’t Do It

May 15, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---IF-YOU-FEEL-ANY-DOUBT-DON'T-DO-IT

    Hi DJ Chloe,

    I’m Anne, 30 years old. Working as a business analyst.

    Palagi ko po naririnig ‘yung mga advice mo na napakagaling, DJ Chloe. May mga friend na din akong nagmessage sa’yo at sa ngayon naging malaking tulong po ‘yung advices galing sa’yo. And this time ako naman po ‘yung hihingi ng payo. ?
    May boyfriend ako, DJ Chloe, actually first love ko po siya and nine (9) months na din po ang relationship namin. He’s married though separated siya for almost three (3) years pa lang, hindi kasi siya mabigyan ng anak nu’ng ex niya so he decided na makipaghiwalay.

    I’m now one (1) month pregnant na po. And nas-stress ako, DJ Chloe kasi ang dami kong iniisip tungkol samin dalawa. Hanggang ngayon kasi ayaw siyang i-let go nu’ng ex niya. Nagkakaroon din kami ng money issue since mas mataas ‘yung sweldo ko sa kanya. Usually, humihiram siya ng pera sa’kin para sa father niya, sobrang nakakapressure, DJ Chloe.

    Actually, two (2) days pa lang niya nalaman na pregnant ako, tuwang-tuwa at ang swerte daw niya, ayaw ko kasi sabihin sa kanya. Ayaw ko po umasa sa kanya. Minsan sinasabi ko sa kanya na kaya ko naman palakihin mag-isa ‘yung baby namin. Pero dapat daw kailangan tulong kaming dalawa.

    For me kasi, parang pakiramdam ko mahal pa niya ‘yung ex niya since 10 years din silang married kaya pilit ko siya pinagtutulakan na makipagbalikan don. Kaya ko naman sigurong wala siya DJ Chloe, at least magkakababy naman kami.

    Ewan ko po ba, naguguluhan na ako sobra. Hindi ko na po alam ang gagawin ko eh. Sobrang bigat na po sa pakiramdam. Alam ko ding hindi papayag ‘yung ex niya na magkasama kaming dalawa. Naiisip ko din po na mag let go na lang para at least si baby na lang iisipin ko pero nandun ‘yung guilty feeling na tatanggalan ko siya ng karapatan sa magiging anak namin lalo na’t pansin ko sa kanya ‘yung sigla since nalaman niya.

    Ano po bang gagawin ko, DJ Chloe? Dapat po bang mag let go na lang ako? Sobrang nalilito na po ako. Sana po mabigyan mo ako ng advice, DJ Chloe.

    More power and thank you in advance po.

    Anne

    Hi Anne!!

    You only need to make a decision lang naman eh. Just one decision and your life will change.

    Just like when you made the decision na patulan siya, nagbago ang buhay mo ng bonggang-bongga. Ngayon pati problema ng iba problema mo na rin.

    But it’s too late now para magsisi pa.

    Okay lang sana kung hindi kayo pinapakialaman ng asawa nya eh, kaso it seems wala siyang plano na maging maligaya kayo.

    Mababaw ang reason ni boyfriend na hiwalayan ang asawa niya dahil lang ‘di magkaanak. But well, let’s leave it to him.

    You know what’s right, you think about doing the right thing. Why not do it?

    Ikaw ang nanay ng magiging anak mo hindi mo naman siya tatanggalan ng karapatan eh, siya pa rin ang ama. Mas peaceful lang ang magiging buhay niyong mag-ina kung kayong dalawa lang ng anak mo ang magkasama.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.