CHLOE'S INBOX
Strong Independent Mom And Wife
June 13, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Blessed evening po. Madalas ako makinig sa mga payo mo, minsan kapag ‘di ako nakakapakinig ng radyo nagba-browse ako sa page mo at nagbabasa ng mga mahusay mo’ng payo patungkol sa buhay-buhay. Just call me Anie, 28 years old, married at may two (2) kids. Dummy account po ito. Gusto ko lang po talaga humingi ng payo sa ngayon, sana mapansin mo. Nalulungkot po kasi ako na bakit kaya ganun kung sino ‘yung pamilya mo sila pa ang magda-down sa’yo. Nakapisan po kasi kami ngayon sa magulang ko, nasasaktan lang po ako sa paraan ng pagtrato ng kapamilya (kapatid) ko sa mga anak ko. ‘Di po kasi ako palakibo kada tinataboy nila lagi anak ko paglalapit sa kanila. Patay-malisya ako minsan. Pinagtutulong-tulungan nilang bwisitin mga bata hanggang mapikon at umiyak. Until one time napuno na talaga ako dahil nga sa ginagawa nila. Nagawa ko’ng magalit kasi sobra na sila pero ako pa minasama na parang dahil sa nakikipisan kami eh kami dapat mag-adjust. Kitid daw ng utak ko, hayop, at pabayang ina kasi hinahayaan ko daw mga anak ko na maglikot sa bahay. ‘Yun na ba basehan ng pagiging pabaya? Gusto ko lang naman magsaya anak ko. Hay, DJ Chloe, hirap pala talaga makisama ‘no? Minsan mas okay pa magkaroon ng utang na loob sa ibang tao kaysa sa sarili mong pamilya. Simula nang magkapamilya ako naramdaman ko na iba na rin turing nila sa’kin. Lagi may sumbat kapag nagkamali at pinapamukha pa lahat ng mga maling desisyon ko sa buhay. Malapit na po kami bumukod ng bahay. Usapan po kasi talaga namin ng hubby ko this year aalis na kami. Sana po talaga matuloy na para makalaya na rin ako sa gantong sitwasyon. Hayyy. Sakali po na mabasa nyo to sobrang thank you po sa time, need ko lang po talaga ng lilinaw ng utak ko. lungkot na lungkot po kasi ako. God bless and more power po!
Hi Anie,
Oo naman, sobrang hirap talaga sa lahat ang makipisan. Sa sariling pamilya, lalo na sa byenan. Nakakapagsalita sila ng ganyan sa’yo kasi pamilya mo sila, kaya walang pag-alangan. ‘Wag kang magtanim ng galit, instead try to asses. Baka nga naman sobrang likot ng mga anak mo? Isa lang ang solusyon talaga, bumukod, magsarili, piliting tumayo sa sariling paa.


-
COMMENTS














