CHLOE'S INBOX
Sometimes Betrayal Comes From Family
July 20, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Nakasulat na ko sa’yo before. Gusto ko lang na lumuwag ‘yung kalooban ko ngayon.
I’m turning 39 this coming 18th. May pamilya na rin ako. Masasabi kong smooth sailing ang family life ko. May problema man ako ngayon, tungkol ‘to sa father ko. Kung kelan tumanda na kming mgkakapatid saka namin nabisto na may mga anak pala sa labas ‘yung father namin. US-based na ‘yung father naming. Until last time, nagpaalam siya na maglo-long drive daw silang mgkakatrabaho kaya mga two (2) to three (3) weeks niya kaming ‘di maco-contact. Naniwala kami. Dumating ‘yung araw ng alis niya. Online siya ng ilang araw, kinakamusta ko kung ayos lang ba ‘yung bakasyon niya pero ‘di nya sini-seen.
Four (4) days na online siya pero ‘di niya sinasagot messages ko kung kamusta ba siya. Lahat kami sa pamilya nagtataka na rin. Hanggang sa sinubukan kong hanapin sa friends list niya ‘yung sinasabi niyang mga katrabaho niya na makakasama niya sa long drive. Nag-aalala na kaming lahat kasi almost two (2) weeks na wala kaming balita kung nakauwi na ba sila o ano man ang nangyari. Nagreply ‘yung katrabaho niya na minessage ko. Sabi lang, “sorry pero ‘di ako kasama ng father mo na umuwi ng Pinas.” ‘Di bale sabihin daw niya na nagmessage ako at pauwi na rin daw ang father ko sa US. Gumuho ‘yung mundo ko. Umuwi ‘yung father ko nang ‘di namin alam. Nandito si mama sa amin pero ‘di niya alam. Mga kapatid ko wala ring alam. Ako lang ang nakadiscover sa mga pangyayari. Ti-nry ko i-search isa-isa sa friends list niya kung sino ang posibleng puntahan niya. Hanggang sa may nakita kong pangalan ng 14-year old na batang babae na kaapelyido namin. Sinubukan kong tignan ‘yung Facebook profile, laking gulat ko na may mga pictures dito sa Pinas kasama ‘yung father ko na kaka-upload lang.
Nakakapanglumo. ‘Yung litrato na unang tingin mo pa lang aakalain mong larawan ng isang pamilya. May nanay, may tatay, may anak. Ang tagal namin siyang namiss. Ang tagal naming pinangarap na magbakasyon siya kasama namin, ng nanay namin, ng mga apo niya. Nandito lang pala siya ng tatlong lingo. Pero natiis niya kaming hindi makita. Sobrang tinitingala ko siya, pero sa mga natuklasan ko bumaba ‘yung tingin ko sa kanya. ‘Di ko inasahan kahit sa panaginip na magiging ganto kamiserable ‘yung buhay namin. Agad kong sinabi ‘yun sa mga kapatid ko, sa nanay ko, pero wala silang lakas ng loob na komprontahin ‘yung ama namin. Sabagay dati naman na, ako lagi ang vocal sa pag-express ng saloobin. Nagmessage ako sa ama ko. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko pati ng nadiskubre kong pag-uwi niya. Akala ko makakatanggap ako ng paghingi ng tawad, akala ko magpapaliwanag siya.
Pero sampal sa tenga ko na marinig na proud na proud pa siya na natuklasan ko at ‘di na siya nahirapan na magsabi pa sa’min. Bumaliktad mundo ko ng 360 degrees sa mga narinig ko. Sakit sa dibdib na umuwi siya para daw sa graduation ng anak niya. Samantalang madaming masasakit at masasayang pangyayari sa buhay namin na p’wedeng maging dahilan ng pag-uwi niya pero ‘di nangyari. Sabagay, simula maliliit pa kami ‘di naman namin kinakitaan ng effort na maramdaman pagmamahal niya. Ayun na nga, simula nu’ng nabisto siya, harap-harapan na niya pinapamukha sa amin ‘yung anak at kabit niya. Nawalan na ko ng gana na makipgcommunicate sa kanya sa totoo lang.
Sa ngayon, madalang na siya magpadala ng sustento kay mama para sa maintenance sa gamot, katwiran niya, may pinapadalan pa siyang ibang pamilya. Minsan totoo ang kasabihan na what you don’t know won’t hurt you. Naiisip ko tuloy, kung hindi siya nabuking, malamang ngyon, maayos pa rin ang pagtingin namin sa isa’t-isa bilang mgkakapamilya. Sa ngayon kasi ramdam ko na nanlamig na kami pare-pareho pra magkaron pa ng communication. Alam ko mas masakit lalo sa part ni mama na kakasenior citizen pa lang. Sa tinagal ng panahon, wala talgang sikreto na ‘di mabubunyag. Ayun lang, nabunyag nga pero eto ang naging epekto sa amin. Nilayo ng tatay ko ang loob niya sa amin simula ng nalaman naming lahat.
Hi Dear!
Are you sure hindi alam o walang hint ang nanay mo about it? At all? Because she might know about it and just chose to be silent about it.
I may not understand how you exactly feel kasi ikaw lang ang nakakaalam ng nararamdaman mo talaga. But I am here to remind you that, he is still your father and that everything can be talked about and be worked out.
Andyan na ‘yan eh. May kapatid kayo sa labas and it’s a shock talaga kasi I am so sure hindi mo alam saang parte ng isip mo unang uunawain kung pano nangyari at pano nagawa ng father mo ‘yan.
But take a deep breath. And bite your tongue before even saying anything.
For now, mas mainam alalayan niyo muna mother niyo, lalo’t may edad na rin. I’m sure mas mahirap ito para sa kanya.
And do pray about this, ask God to give you the wisdom on how to deal with this.
Things happen, and we don’t know why but if you trust God, you will eventually know and understand why things are happening the way they are, maybe not at this time but in time.
No matter how much you’re hurting and how much anger you feel. Don’t forget he is still your father. If not for him, you won’t be here.
Pray unceasingly.


-
COMMENTS














