We're staying under one roof for our kids only
X

CHLOE'S INBOX

We’re staying under one roof for our kids only

September 13, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---WE'RE-STAYING-UNDER-ONE-ROOF-FOR-OUR-KIDS-ONLY

    Good day, DJ Chloe!

    This is my second time to ask you for an advice. This is about my live-in partner. Mag 10 years na ang kaming on-off relationship. Nasa sitwasyon ako ngayon na gusting-gusto ko ng bumitaw pero ‘di ko magawa! Pagod na ako pero ginugusto ko pa rin ipagpatuloy. The problem is meron siyang nakilala na babae. Mula noon nag-iba na pakikitungo niya sa’kin. Meron kaming limang (5) anak at mag 2 years old pa lang bunso namin. Two (2) months nang ganito ang sitwasyon namin. Tinapat naman na niya ako, ang sabi niya mahal daw niya ‘yung babae na ‘yun at dun daw siya sumasaya. Sa’kin daw wala na siyang nararamdamang saya at pagmamahal! Ayaw naman niyang maghiwalay kami. Ang gusto niya magsama pa rin kami sa isang bahay pero para na lang sa mga anak. Bilang magulang na lang daw at hind bilang mag-asawa. Gusto niya tanggapin ko ‘yun. Wala akong choice kundi magtiis na lang kasi aminado po ako na hindi ko naman kayang buhayin ng mag-isa ang mga anak ko. Tama rin naman ang sinabi niya na wala akong kwentang tao kung wala siya. Kasi sa kanila na lang umiikot ang buhay ko eh. Wala akong ibang alam gawin kundi maging asawa at nanay lang. Kahit ‘yung babae niya mayabang din sa’kin kasi daw hindi naman daw kami kasal. Hirap na hirap na po ako. Kahit alam kong niloloko lang niya ako patuloy ko pa rin siyang minamahal. Ginagampanan ko pa rin ang pagiging asawa, gaya ng asikasuhin siya, ipagluluto, at ipaglaba. Umaasa kasi ako na mare-realize din niya na ako ang karapat-dapat sa kanya. Lahat na tinatawag akong tanga at martir. Anong magagawa ko, mahal ko eh. Siguro nga takot talaga akong mabuhay ng mag-isa. Please, DJ Chloe, sana mabasa at mabigyan mo ako ng advice. Kailangang-kailangan ko po yan ngayon. Thank you.

    Miss M

    Hi, Miss M!

    We all need to have good and healthy relationships in this life. Kaya lang ang hirap kapag ang partner na pinili mo eh iba ang direksyon na gusto sa buhay o ‘di kaya nag-iba ng direksyon. At lalong napakahirap kapag ang buong buhay mo at atensyon mo ay nasa kanya lang at hindi mo inisip na maging produktibo din sa buhay dahil baka nga naman iwanan ka niyan. Eh pano ka na? Maaring hindi niya matiis ang mga anak niyo, sa ngayon. Pero pano kapag nagkaanak na ‘yan sa kabit niya? Was watching a TV show the other day, and the guest was talking about disaster preparation. Ang sabi niya ang NANAY daw ang talagang dapat nakakaalam ng preparation sa mga disaster like bagyo, lindol. Nasa nanay daw ang ikakaligtas ng mga anak dahil mas siya ang may direct connection sa mga anak. You know, preparation of go-bags. And I’d like to think it’s also the same with life. The moment you start thinking KAMPANTE sa asawa mo, at hindi ka na mag-isip ng para sa ika-uunlad mo din bilang isang tao that will be your downfall. Una na lang sa pagpaparami ng anak. Men usually don’t concern themselves with that. As a woman and as a mother, your body is your responsibility dahil ikaw ang mag-aanak ng mag-aanak at magpupuyat sa pag-aalaga ng mga bata. Bakit mo hinayaan umabot pa sa lima? Sustaining one child these days eh ang hirap na, lima pa? Noon pa gusto mo na bumitaw pero pinaabot mo pa ng lima? Gustong-gusto mo ngang bumitaw, teh! Naiinis ako sa partner mo. Pero mas gusto kitang tuktukan eh. Anyways, hindi pa naman huli ang lahat. Hayaan mo siya sa gusto niya, pero samantalahin mo ang mga araw na darating para magprepare para sa sarili mo at sa mga anak mo. ‘Di mo kayang buhayin? Isipin mo bigla kang na balo? Ano gagawin mo? Oh, wala kang choice, ‘di ba? Ngayon pa lang isipin mo ng solo ka. Gumawa ka na ng paraan para kumita kahit konti at magprepare, mag-ipon. Andyan ang TESDA, mag-aral kahit gumawa ng pulboron. Ang daming direct selling companies willing to give housewives a career in sales and networking. Basta legit ha? Bottomline, kahit gaano pa ka stable, mapera ang asawa mo, ‘pag bigla ‘yang kinuha at ikaw eh walang alam dahil nasa bahay ka lang, tapos ikinabuhi mo. I have nothing against sa mga housewives po ha. It’s a very noble choice. I was once like that but there is nothing like earning your own money and saving for yourself. Once na malaki na mga anak, magsimula ng mag-isip ng para naman sa sarili. Iba pa rin ‘pag may sarili kang pera at pinagkakakitaan. I can say this because I have a friend na sinabi sa’kin ‘yan. Biglang na-stroke asawa niya. They have (3) three kids. Plain house wife siya. ‘Di niya raw alam gagawin niya. My father gave me the best financial advice. Sabi niya, hindi raw financial plan ang mga lalaki kaya kailangan magsikap para magkaroon. Para sa mga nagkaroon ng mabait na asawa, mga lalaking inaalagaan ang kapakanan ng mga asawa nila, mabuhay po kayo. Pero iilan lang kayo. Sa mga medyo hindi ganun ang napangasawa, maghanda na po kayo. Old age is real. Getting sick is also real and these all entail expenses. So gather all your courage, sis. Bec you know what, you are capable of amazing things. Start fixing yourself and focusing your eyes on a purpose instead of focusing them on your “partner” alone.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.