My husband made me choose between him and the man I want to be with
X

CHLOE'S INBOX

My husband made me choose between him and the man I want to be with

September 17, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---MY-HUSBAND-MADE-ME-CHOOSE-BETWEEN-HIM-AND-THE-MAN-I-WANT-TO-BE-WITH

    Hi DJ Chloe,

    I want to greet you a great day today. Nahihiya po akong i-air ang name ko so can you just hide my name as Charmaine Aquarius? I hope mapalubag mo man lang po ang loob ko kasi ang hirap-hirap ng feelings ko ngayon. Nahihirapan na ‘ko. Mas mahal ko kasi ‘yung taong naging best friend ko at naging boyfriend ko eventually sa trabho ko noon sa kabila ng may asawa na ‘ko. Nakita ko kasi sa kanya ‘yung exact opposite sa ugali ng asawa ko. Alam ko rin naman po na mahal niya rin ako kasi ‘yung misis niya pilit na idinadown ang pagkatao niya. Kasi sa kanilang dalawa, misis po niya ang may regular na trabaho at malaki ang sweldo. Ngayon nang malaman ng mister ko ‘yung tungkol sa aming dalawa, pinapipili niya (ng asawa ko) ako kung ano gusto ko. Pinili ko s’yempre ang asawa ko alang-alang sa mga anak ko at para na rin sa akin. Kasi sa totoo lang wala na rin naman po ako talagang babalikan sa side ko dahil wala na po akong magulang at may sarili ng pamilya ang mga kamag-anak ko. Siguradong hindi nila ako pwedeng tanggapin sa kanila para magstay. Wala na po akong trabaho ngayon. Tinanggap pa rin ako ng asawa ko pero sa totoo lang naghihirap ang feelings ko. Pakiramdam ko kasi wala na ‘kong kwentang tao. Umaasa na lang sa asawa. Tapos ang taong mahal na mahal ko, hindi ko naman po pwede makasama. Ano po ba ang pwede kong gawin para sa sarili ko? I hope matulungan niyo lang po ako sa situation ko ngyon. I know it’s OA pero ang hirap lang po talaga ang pakiramdam ko. Hope you understand. Thanks for having time to read my message. Have a nice day and more power to your show.

    Hoping,

    Charmaine Aquarius

     

    Hi, Charmaine Aquarius!

    You’re lucky na pinatawad ka ng asawa mo. Kung iba baka pinalayas ka na, iwan sa kanya mga anak niyo. Pumili ka na rin lang at pinili mo asawa mo, pangatawanan mo na. Nagkamali ka na eh at ‘di mo naman kayang panindigan ‘yung isang lalaki. Kaya mag-ayos na ng bangs at ayusin na ang buhay. If you feel na asa ka sa asawa mo eh ‘di tell your husband na gusto mo uli mag trabaho. ‘Yun lang malaking usapin ‘yan kasi I’m sure wala ng tiwala ‘yan sa’yo. Alam mo ate, hindi ka rin naman sure dun sa isang lalaki eh. Makikilala mo lang ang isang tao kapag kasama mo na sa isang bahay. We cannot have it all. Might as well be happy and look for the good in what you already have. The grass isn’t greener on the other side sometimes.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.