I'm in a same gender relationship and my boyfriend cheated on me
X

CHLOE'S INBOX

I’m in a same gender relationship and my boyfriend cheated on me

September 20, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---I'M-IN-A-SAME-GENDER-RELATIONSHIP-AND-MY-BOYFRIEND-CHEATED-ON-ME

    DJ Chloe,

    I badly need someone to talk to and give me advice. Wala po akong maisip na pagsasabihan ng bigat na nararamdaman ko. Ilang beses na rin akong nagmessage sa inyo sana pagbigyan niyo ako ulit ngayon. Feeling ko ang stupid ko na. At age of 27 feeling ko wala pa akong nagagawang tama sa buhay ko at may tiwala ako sa inyo na kahit papano mabibigyan niyo ako ng kalinawan sa isip sa puntong ito ng buhay ko. Sana maintindihan niyo po ako. May naging karelasyon po ako kapwa ko lalake. Nagstart kami nu’ng February nu’ng magkakilala kami sa Facebook at sumama na siya sa’kin. Naglive-in po kami. Sa una masaya naman kami until he cheated on me dahil daw hindi na siya masaya sa’kin.

    He is 19 and I am 27. I know malaki ang gap namin but I’m trying my best na unawain siya pero ako po yata ang may problema sa anger management. Simula kasi nu’ng maghiwalay kami ng ex ko na nagkatrauma na ako dahil sa pambubugbog niya. Feeling ko hindi na katiwa-tiwala ang mga tao sa mundo. Galit na galit ako sa mundo. Nadepress ako hanggang sa unti-unti nakabangon ako pero hanggang ngayon pakiramdam ko wala ng direksyon ang buhay ko although may maayos akong trabaho. Hindi ko matanggap nu’ng nadiskubre ko na niloloko niya ako gamit ang cellphone ko pa na hiniram niya. Hindi kasi siya umamin nu’ng pinapaamin ko kaya ako na mismo gumawa ng way para madiskubre ko. Simula nun nawalan ako ng gana. Kinausap ko siya at gusto kong palayasin siya pero naawa ako dahil wala siyang matatakbuhan kaya kinausap ko ‘yung dati niyang leader sa church para may malipatan siya pansamantala pero bigo ako, hanggang sa eventually napalayas ko din siya.

    Ang bigat-bigat sa dibdib ko nu’ng pinaalis ko siya, DJ Chloe. Durog na durog ako. April nu’ng pinaalis ko siya at nu’ng May 26 biglang nagparamdam. Mahal ko pa siya kaya tinanggap ko siya ulit. Nagkabalikan kami pero lumala lang ang pag-aaway namin. In fact, ako nagpush sa kanya na mag-enroll sa college at nakapag-enroll naman pero nagdrop din dahil wala daw siyang pantustos sa pag-aaral. Paminsan din nagbibigay ako ng allowance niya at hindi issue sa’kin ‘yun kasi gusto ko din makatulong.

    Hindi ko na pinigilan nu’ng magdropout s’ya. Desisyun niya ‘yun. Kagabi po may kachat ako sa isa niyang account at nagpakilalang ex-girlfriend niya daw at may anak sila. Nagulat ako. Akala ko pinagtitripan lang ako until this morning tinanong ko siya at inamin niya na may anak nga siya at nagsend pa ng picture kasama nila ‘yung baby. Ang sakit-sakit, DJ Chloe. Hanggang sa mga oras na ito hindi ko maisip bakit nagagawa ito sa’kin ng mga tao. Bakit ganun? Sabi ko sa kanya durog na durog ako ngayon siya rin daw. Hindi ko malubos maisip. Sa lahat ng ginawa kong kabutihan nagawa niya akong pagsinungalingan. Alam kong kahit ilang buwan lang ang relasyon namin naging bahagi na siya ng pang araw-araw na buhay ko. Alam kong hindi ako bobo pero bakit ganito ang ginagawa sa’kin ng tao. Prior to that marami na po akong nakarelasyon, kahit alam kong mali sige pa rin ako kasi dun ako masaya. Sana ito na ang last. Minsan naiisip kong magpakamatay. I’m a bisexual po at ang hirap hirap hirap hirap, ang lupit lupit lupit po ng mundo sa amin. Please help me, DJ Chloe.

    Hello!

    Hindi talaga madali ang buhay na pinili mo. I am just wondering ang sabi mo kahit alam mong mali sige ka pa rin kasi diyan ka masaya? Pero problemado ka naman lagi. You’re already suffering from depression and you’re also suicidal na rin, panong masaya ka jan?

    Why don’t you give yourself a break? Why not free yourself muna from anyone? And just enjoy the company of friends and of yourself?

    Have you also thought nurturing the spiritual aspect of your life?

    We cannot find perfect and lasting happiness with people. Only God can give us that, why don’t you try Him?

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.