CHLOE'S INBOX
I’m in love with my pastor
September 27, 2018
-


DJ Chloe,
Good day po. Araw-araw po ako nakikinig sa 96.3 Easy Rock. Need ko po sana ng advice. Kayo lang po naisip ko na p’wede ko masabihan kasi ayoko sabihin sa mga close friends ko. Ayoko po ma-judge. 30 years old na po ako. Married for eight (8) years, walang anak. Masaya po ako sa hubby ko, DJ. Pero bakit nu’ng makilala ko ‘tong pastor namin nagsimula na ang problema ko sa sarili ko. Crush ko po siya. Binata, 27 years old. June po siya nadestino sa amin at hanggang ngayon inis ako sarili ko ba’t ko siya gusto. Gwapo, simple, matalino, talented, ayun po siya. Active po ako sa church kaya madalas kami magkasama-sama or madalas ako kasama niya like ‘pag may ivi-visit na church member, mga ganon po. DJ, nahihiya ako sa sarili ko po kasi nga gusto ko siya at alam ko naman na hindi niya ko magugustuhan at feeling ko napakalaki ng kasalanan ko sa Lord. Hindi ko siya maiiwasan, DJ, pero gusto ko ng alisin siya sa isip ko na hindi ko po magawa at ‘di ko alam kung paano. Ilang beses na po ako nagtry na sumulat, DJ. ‘Di ko matuloy-tuloy dahil pilit ko po pinaglalabanan ‘tong kahibangan kong gustuhin ang pastor ko. Siguro kako crush ko lang siya dahil noon pa naman pastor talaga ang gusto kong maging asawa at sa kanya ko nakita ‘yung gusto ko sana sa isang guy, though mabait naman po talaga ang hubby ko hindi nga lang talented siguro at may konting bisyo like yosi/inom. Naiiyak po ako na ewan, DJ. Pasensya ka na po. Sana mapayuhan mo po ako. Salamat, DJ Chloe. Kung mababasa mo po ito, DJ, huwag na po iere. Gusto ko lang po makahinga ng maluwag, pagod na isip ko kay pastor.
Salamat po,
Mrs. M
Hi Mrs. M,
Nasabi mo pastor, so I am under the impression na tayo po ay Kristiyano, ano? Ma’am, nagbabasa naman po siguro kayo ng salita ng Diyos. Most likely po alam niyo dapat ano ang dapat niyong gawin, hindi niyo nga po dapat binibigyang pansin ang mga ganitong damdamin. Sa’tin pong mga Kristiyano walang maliit at malaking kasalanan. Ang kasalanan ay kasalanan. I don’t want to sound sanctimonious dahil aaminin ko po, I am also still a work in progress kaya naiintidihan po kita. We all have our own struggles lalo pagdating sa obedience sa Panginoon kasi madalas nangingibabaw ang kahinaan. But you have to know that this will not reduce in any way God’s love for you. Si Kristo ay sinubok din nu’ng nandito Siya sa lupa kaya naiintidihan niya ang pinagdadaanan mo. This is the very time you need God in your life, actually, every day we need Him on our lives. So, cling to that love God has for you because that will help you get through this. Sinusubok po kayo, all the more you need God’s word and all the more you need to ask God to take away that feeling. Whatever it is you have for that pastor, God can take it away. God can change everything, we just need to allow Him to take over what we cannot control.
-
COMMENTS















