Is it possible to fall out of love to someone you really love?
X

CHLOE'S INBOX

Is it possible to fall out of love to someone you really love?

October 1, 2018

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---IS-IT-POSSIBLE-TO-FALL-OUT-OF-LOVE-TO-THE-PERSON-YOU-REALLY-LOVE

    Dear DJ Chloe,

    Hi po. I’m an avid listener of Easy Rock. Now it’s my turn po pala to share my story and the same time ask for an advice. Please hide my identity po. Thank you. I’m married for 10 years, may isa po kaming anak. I worked for 15 years pero ginive up ko po ang career ko para maalagaan ang baby namin. Binigay ni God ang pangarap ko. Ang magkaron ng maayos na pamilya. May asawa akong responsible and walang bisyo kundi ang umuwi ng maaga at makipagkulitan sa anak namin. ‘Di ko po maintindihan ang sarili ko, hindi ko po alam kung p’wede bang mawala ang love mo sa isang tao? Opo, naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon, DJ Chloe, kasi po parang wala na ang love ko sa husband ko. Siguro kasi ang dami niyang issues sa family niya, lahat ng mga kapatid niya sa kanya ang takbuhan. Hindi ko inaalis na tulungan niya ang mga kapatid niya kaya lang lahat sila ay may kanya-kanya ng pamilya. Mas naiistress siya sa mga pasaway niyang kapatid kaysa sa amin ng anak niya. Pati tuloy ako napagbabalingan niya ng init ng ulo niya, ayaw niya akong kausapin minsan kasi ang hina ko daw umintindi. Hindi ko na daw siya naasikaso na tulad ng dati. Paano ko gagawin ‘yun eh may anak kaming kailangan kong bigyan ng pansin at may bahay na kailangan ayusin, may mga labahin at mag-iisp ng lulutuin para pagdating niya may pagkain na dahil pagod din siya sa work. Kasi madalas nakakarinig ako sa kanya na nasa bahay na nga lang ako hindi ko pa magawang maglinis o magluto man lang. Nasasaktan ako kasi hindi niya nakita ‘yung sacrifice ko na i-give up lahat para maasikaso sila ng anak namin. Hindi ko na din po kayang makipagmake-love sa kanya kasi pagod na din ako sa gawaing bahay at pag-aalaga sa anak namin. At tsaka hindi ko na din po feel na gawin ‘yun. Siguro po dahil sa hormonal imbalance na din. Decisions na lang niya lahat ang nasusunod, hindi na niya pinapakinggan ang mga suggestions ko kasi ang sa kanya siya ang nagpo-provide lahat kaya siya ang magdedecide. Gusto ko po sana siya kausapin tungkol sa nararamdaman ko kaya lang natatakot ako dahil baka iba ang maging interpretation niya. Gulong-gulo po ako. Pinagpi-pray ko na lang po itong nararamdaman ko. Hope to hear from you, DJ Chloe baka sakaling mali lang ako ng nararamdaman.

    Truly yours,

    MOMY B

    Dear Momy B,

    You cannot have it all.
    Ang iba may asawa lang pero hindi responsable, may bisyo na minsan wala pang trabaho. Merong may trabaho pero hindi umuuwi ng maaga, kundi umaga na.

    That is your family, ‘yan ang pamilyang binuo mo and, guess what, hindi all the time masaya. Normal na ang mga ganyang napupuna mo. I’m sure bago mo pinakasalan ‘yan alam mong nasa sa kanya pamilya o ‘di kaya’y tumutulong siya sa pamilya niya. Pero sumige ka pa din kasi akala mo okay lang sa’yo.

    Wala namang ‘di nadadaan sa mabuting usapan, subukan mong kausapin, habang sinasabayan mong kumain. Or siguro bago kayo matulog na parehas na kayo nakahiga. Or if you want para mas focused, ayain mong lumabas iwan niyo muna si baby sa biyenan o sa nanay mo. Minsan magdate naman kayo kahit sa kanto, ‘yung malapit lang para ‘di na kayo matrapik pa ng bongga. Talk to him and try to get your message across.

    Sa pagplano naman ng lulutuin gumawa ka na kaya ng meal plan para ‘di ka nahihirapan. Dami na niyan ngayon sa Google. Mag-YouTube ka nga lang matututo ka ng magluto eh, try mo.

    Regarding your medical condition, hormonal imbalance, have yourself checked. ‘Pag out of whack ang hormones natin mas lalo tayong emo na mga babae, so have it checked para malunasan.

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.