CHLOE'S INBOX
You know what to do you just don’t want to do it
October 2, 2018
-


Hi DJ Chloe,
Gusto ko lang i-share ‘yung tanong na hindi ko kayang sagutin sa sarili ko. Pano kung ‘yung asawa/boyfriend mo nalaman mong may nabuntis na another girl at buntis ka din ngayon at may isa pa kayong anak? Ano ‘yung gagawin niyo girls? Pero ayaw umamin ng asawa/boyfriend niyong sila ‘yung nakabuntis sa girl? I need advice.
Ang hirap hirap na kasi. Sobra na ‘yung sakit na nararamdaman ko. Mahal ko ‘yung mga anak namin ayoko sila mawalan ng buong pamilya pero hindi ko din kayang tiiisin ‘yung may anak pa siya sa iba. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko.
Hi Ma’am,
Hindi ka confused, alam mo ang dapat mong gawin, ayaw mo lang gawin. Marami ka kasing kinoconsider. Baka si partner lang ang may work? At nasa bahay ka lang? S’yempre pano ang mga bata, ‘di ba? Hindi naman ‘yan aamin ng basta-basta, isa pa, sigurado ka rin ba sa nalaman mo? It’s going to be a lingering problem as time goes by. Kung mahal mo siya at ‘di mo kaya na mawala sa’yo, tuloy mo pagpapakasal mo, but be ready for more problems. If mas importante sa’yo ang peace of mind mo, then do something drastic, leave him.
-
COMMENTS















